Bakit Nga Ba Marami Ang Nahuhumaling Sa K-pop?

0
1007

Nagsimula sumikat ang K-pop sa Pilipinas noong sumikat ang “Nobody” ng Wonder Girls. Lalo pa ito sumikat dahil minahal ng mga Pilipino si Sandara Park na naging k-pop idol. Siya si  Dara Park ng 2NE1.

Noong 2009 ay nagsimula na umusbong ang K-pop dito. Nadagdagan nang nadagdagan ang mga fans dito sa Pilipinas. Nagsimula na rin magdaos ng mga concert dito ang mga Kpop groups, tulad ng UKISS, Super Junior at Beast. Sa ngayon, sobrang dami ng K-pop fans sa Pilipinas at sa buong mundo. Sa tulong ng social media tulad ng Youtube, Twitter, at Facebook lalo pa ito kumakalat at nakikilala.

Marahil, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na sobrang adik sa Kpop. Kahit na maraming tao ang ayaw at nangbabash sa Kpop at sa mga fans nito, marami pa rin ang mahilig dito. Kahit na sinasabi ng iba na hindi naman naiintidihan ang lyrics ng kanta at mga “retokado” naman daw lahat ng mga Koreano at Koreana na ito, na mga bading daw ang mga lalaking Kpop idols dahil sa mga make-up nila, lalo pang dumadami nag Kpop fans.  Pero, ano nga ba ang meron sa Kpop at bakit maraming nagkakagusto sa mga ito?

Bilang Kpop fan, masasabi ko na hindi lang ang kanta, hitsura at mga albums o performances ang nagustuhan ko sa Kpop. Parang may ibang mundo ang Kpop. Ibang-iba ang kultura nila sa nakasanayan ko sa Western artists at mga Pinoy na singers. Iba sila magpromote ng mga kanta nila. Ibang-iba rin sila gumawa ng music video at kitangkita naman na karamihan sa mga kanta nila ay may sayaw kaya mas nakaaaliw ito. Sobrang nakakaadik ang mga Kpop songs.

Gumagawa ng fandom culture ang K-POP. Sobra nilang inaalagaan at pinapahalagahan ang mga fans. Minsan sumosobra pero tuloy pa rin ang ganitong kalakaran. Gamitgamit ang iba’t ibang social media tulad ng Youtube, Facebook, Instagram at ang V Live, na isang Korean na platform, nagrerelease ng mga videos at pictures ang mga idol upang i-update ang mga fans sa ginagawa nila.

Madalas din magfan meet at magfan sign events ang mga Korean groups. Dito, harapharapan at isa-isa nila nakikita at nakakausap ng mga fans nila. Mayroon din mga variety shows kung saan ay nagtatravel ang mga Kpop groups sa ibang bansa o sa ibang lugar sa Korea at ipapakita nila ito sa mga fans. Hindi lang ito sa Korea nagaganap dahil marami na ring mga Kpop groups, malaki man o hindi, ang mga nagtutour sa iba’t ibang bansa.

Nakakatulong din ang mga fansite at mga  fans na gumagawa ng sariling social media para Ipromote ang mga paborito nilang  K-pop idols at groups. Kahit na malayo man ang mga International fans sa kanikilalang mga idol ay may mga inaupload naman na mga videos at pictures ang mga ito sa Twitter at iba pang social media. Mayroon din mga dedicated na fans na kahit walang bayad ay tinatranslate at nilalagyan ng subtitles ang mga palabas ng mga ito.

Sigurado ako na hindi matatapos nag kasikatan ng K-POP.  Sigurado, lalo pa ito  makikilala  sa buong mundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here