BAKIT NAUUSO ANG HIGH SCHOOL REUNION?

0
64

Latest posts by RIDA FLORES (see all)

Ber months na naman. Ilang tulog na lang ay Holiday season na. Ang ibig sabihin nito ay malapit na din ang bakasyon. May mga kumpanyang nagbibigay ng long vacation sa holiday. At kapag bakasyon ay nabubuo ang plano ng mga magkakaibigan na  nabuo nung high school na magplano ng isang reunion. Hindi ba nakakaexcite isipin na magkikita-kita ulit kayo ng iyong mga high school classmate. Napakadaming alala ng high school life. Marami sa atin ng mga panahong iyan unang tumibok at nabigo ang ating mga puso. Dito nabuo ang ating mga pangarap kung ano talaga ang gusto natin na maging trabaho kapag tayo ay nakatuntong na ng kolehiyo. Ito ang stage ng buhay natin na maraming pagbabagong pisikal sa ating katawan. Natuto ang mga babaeng magmake-up at mag-ahit ng kilay. Natuto din tayo na gumala pagkatapos ng oras ng pasok sa school.

Sa modernong panahon ngayon ay madali na tayong nagiging updated na tayo sa kani-kaniyang buhay ng mga high school batchmate natin. Madaming social media platform upang tayo makibalita sa kanila. Ilan sa kanila ay talaga naming naging successful ang buhay, may sakto lang at meron din naman na masasabi natin na napagiwanan ng pag-unlad sa buhay. Hindi maiiwasan na magkaroon ng comparison sa pamumuhay. Mas exciting at makabuluhan na magplano ng reunion kapag matagal na panahon na ang nakalipas. May ilan pa sa batchmate natin ay hindi nakapag-asawa. May ilan nagkatuluyan. At iyong iba naman ay hindi nabibiyaan ng anak.

 Gawin nating makabuluhan ang reunion imbes na magkaroon tayo ng comparison sa buhay ng isa’t-isa. Upang maiwasan ang inggit. At ung pakiramdam ng may napagiwanan at may nangingibabaw.

  1. Mag-organisa ng isang outreach program.
  2. Mag-research at alamin kung sino sa inyong batchmate ang nangangailangan ng tulong at suporta.
  3. Kilalanin at marapat na bigyan ng parangal ang inyong naging class adviser na inyong naging gabay sa pag-abot ng pangarap.
  4. Pag-usapan kung paano kayo makakatulong para maimprove ang eskuwelahang inyong pinagtapusan.
  5. At para sa nakakaalwan sa buhay, bakit hindi kayo pumili ng estudyante na inyong puwedeng sponsoran ang pagaaral hanggang kolehiyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here