Bakit nagrerebelde ang anak?

Latest posts by Patrice Miranda (see all)

Huwag mo munang pagalitan ang iyong anak kung bakit parang sinisira niya ang kanyang buhay. Iyon bang mas gusto niyang makipagbarkada kaysa mag-aral. Maaari ngang mali ang kanyang ginagawa pero dapat ay alam mo ang dahilan kung Bakit nagrerebelde ang anak?

Una, kapag nag-aaway palagi ang mga magulang. Hindi n’yo kasi dapat ipinaririnig sa inyong mga anak ang pag-aaway ninyo. Ang agad kasing iisipin ng iyong anak, baka maghihiwalay na sina Mommy at Daddy kaya lagi silang nag-aaway. At dahil hindi nila diretsong matanong sa inyo ang status ng inyong relasyon, ibinabaling na lang nila ang kanilang atensyon sa pagrerebelde.

Pangalawa, kapag paborito ng magulang ang iba niyang kapatid. Parents, kailangan naman ay maging pantay-pantay ang pagtingin ninyo sa inyong mga anak. Huwag mong ipapadama sa isa na paborito mo ang isa mo pang anak dahil may anak kang magtatanim ng sama ng loob sa’yo. Hindi ka man niya magawang awayin ngayon, asahan mong darating ang panahon na susumbatan ka niyan.

Pangatlo, kapag hindi mo pinagkakatiwalaan ang kanyang kakayahan. Huwag mo namang ipadama sa kanya na duda kang maabot niya ang isang bagay. Halimbawa, target niyang maging isang singer. Suportahan mo ang kanyang gusto. Kahit hindi man niya maabot ang pangarap niyang magin sikat na mang-aawit kung nararamdaman niya na naniniwala ka sa kanya, di siya magrerebelde. Samantalang kung ikaw pang magulang niya ang manlalait sa kanya, huwag ka na magtaka kung gugustuhin niyang sirain ang kanyang buhay.

Pang-apat, kapag kinokontra mo ang kanyang gusto. Ipaintindi mo sa kanya kung bakit kailangan mo siyang kontrahin. Kung hindi mo magagawang mabili sa kanya ang mahal na laruan, sabihin mo sa kanya na wala kayong budget para sa laruan. Mas maigi ng maging prangka ka sa kanya kaysa naman paaasahin mo siyang ibibigay mo ang gusto niya pero di mo naman tutuparin.

Panlima, kapag lagi mo siyang sinisisi sa pagkakamaling nagawa niya. Walang perpektong tao kaya huwag mong ipagsampalan palagi sa kanya ang mga pagkakamaling nagawa niya sa kanyang buhay.

O, mga magulang, sana naman ay iwasan ninyong mangyari ito.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here