Bakit Mo Napapanaginipan Ang Kabit Ng Iyong Asawa?

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Isa ka ba sa nakaranas ng panloloko ng asawa? Sa panahon ngayon, naglipana na ang mga kabit. Mapalalaki o Mapababae man ay hindi makakaligtas sa ganitong senaryo kung isa sa kanila ay marupok. Hindi man katanggap tanggap subalit nagiging pangkaraniwan na lang yata ito ngayon sa lipunang ating ginagalawan. Ang masaktan kung minsan ay ginagawa na lang nating pampatibay ng loob. Ginagawa na lang natin dahilan para lalo pang maging matatag. Paano naman kung maging sa panaginip ay hindi ka patahimikin ng kabit ng iyong asawa. Hanggang doon ay ginugulo ka pa rin nito?

Kapag napanaginipan mo ang dati o kasalukuyang kabit ng iyong asawa, ito ay nangangahulugan na ikaw ay nag-aalaga ng insecurities sa iyong pagkatao. Ikaw ay nababalot ng negativity. Nagpapahiwatig ito na meron kang kailangang ayusin sa iyong sarili. Dapat mong matukoy ang pinanggagalingan nito. Marahil ikaw ay napapalibutan ng mga tao na nagtutulak sa’yo para ikaw ay malugok sa isang hindi magandang sitwasyon. Kung ganito ang senaryo, dapat mong matukoy ang mga taong ito nang sa gayon ay magawa mo silang iwasan at mabawasan mo ang negative forces sa iyong isipan.

Isa pang kahulugan nito, ikaw ay nagpaplano ng pagbabago hindi lamang sa iyong sarili kundi maging sa kabuuan ng iyong buhay. Ang pagharap mo sa kerida ng iyong asawa ng face to face sa iyong panaginip ay senyales na meron ka ng sapat na lakas ng loob para harapin ang mga bagong pagsubok at higit na mas maging matatag. Meron kang mga gagawing hakbang na hindi mo pa nasusubukan. Isa itong malaking challenge para sa’yo subalit hindi mo ito aatrasan. Kaakibat nito ay ang ilang mga hadlang na kakaharapin. Pero hindi mo na ito gaanong iindahin.

Ang mapanaginipan ang other woman ng iyong asawa ay maaaring magkaroon ng negatibong interpretasyon sa una, subalit ito ay isang magandang babala rin na kung pag-iisipan mo at pakikinggan ay dadalhin ka nito sa isang positibong pagbabago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here