BAKIT MINSAN AY BLACK AND WHITE O MAY KULAY ANG ATING PANAGINIP

117

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Bahagi nang ating buhay ang pananaginip. Sinasabi na halos na ika-apat na bahagi ng ating buhay ay nasa dream state.

Ang ating mga panaginip ay kadalasang puno ng simbolo at mga pahiwatig.

Ang ilan sa mga simbolong nakikita natin sa ating panaginip ay maaaring bunga lamang ng tulog. Ito ang mga anyo na nakikita natin sa ating waking life at nagri-replay sa ating panaginip.

May mga simbolo rin tayong nakikita sa ating panaginip na may mas malalim na pakahulugan o interpretasyon.

Ang mga kulay sa ating panaginip ay may mahalagang papel rin sa pagbibigay kahulugan rito.

Ang black and white na panaginip ay nagpapahiwatig ng contentment sa ating waking life. Ibig sabihin, tayo ay natulog ng payapa ang kalooban at kaisipan. Ang mga ganitong uri ng panaginip ay kadalasang nakakalimutan rin agad natin sa sandaling tayo ay tuluyang magising.

Samantala, ang may kulay na panaginip (colored) ay kabaliktaran ng black and white na panaginip. Ang mga panaginip na ito ay kadalasang nakaugnay sa intense emotion. Kadalasang may kulay ang ating panaginip kung mababaw ang ating tulog, o kaya ay dinaramdam, iniisip, o bumabagabag sa atin sa waking life.

Sa colored dream rin kadalasang lumalabas ang mga mahahalagang simbolo na kung mai-interpret ng tama ay maaaring maging gabay o babala sa ating waking life.

Mahalagang maging aware tayo sa pag-interpret ng sarili nating panaginip. Kadalasang ang mga sagot sa ating problema ay sa panaginip lamang natin masusumpungan.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 15, 2020
Next articleChinese Horoscope; Enero 15
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here