Bakit may pumapatay sa barya?

Nakakalungkot mang aminin pero talagang marami ang kumikitil ng buhay dahil lang sa baryang makukuha nila sa isang  tao. Ang   kanilang  dahilan ay dahil kailangan nila ng pera. Ang  taong  walang  trabaho ay di kailanman magkakaroon ng  pera kundi siya gagawa ng masama para makapanlamang ng  kanyang kapwa. Para magkaroon sila singkuwenta, isang daan o  dalawang libo, kailangan nilang magnakaw.

Alam man nilang mali ang kanilang  ginagawa, wala pa rin silang  kakayahan na gumawa ng tama dahil kakalam lang  ang kanilang  sikmura. Siyempre, kahit na ang  mga taong  sobrang  salat sa pera ay gusto pa ring mabuhay kaya naman lahat ay gagawin nila para may mailaman sila sa kanilang tiyan. Iyon nga lang, kailangan nilang  patibayin ang  kanilang  sikmura para di sila makonsensiya kapag  may pinagnanakawan sila. Siguro kung  di magiging matibay ang kanilang  dibdib ay di rin sila makakapanakit ng kanilang kapwa at di nila maisipan ang  pumatay para lang  mailigtas ang kanilang  sarili.

Kung  ikaw ay mayroong  magulang at ginagawa nila ang lahat para ikaw ay magkaroon ng maayos na buhay, pahalagahan mo sila. Mag aral kang  mabuti dahil ang  diploma mo ang  iyong magiging sandata kung talagang nais mong  magkaroon ng magandang  buhay. Kung ikaw naman ay walang magulang na nagpaaral sayo di pa rin sapat na dahilan iyon para sirain mo ang  iyong  buhay.

Kailangan mong  tandaan na tanging  ikaw lang  ang makagagawa ng  iyong kapalaran kaya bago ka magdesisyon, pakaisipin mo muna kung  iyan ba ay makabubuti sayo. Kung  may ginawa kang mali sayong  buhay dapat mong  pakaisipin na mayroon kang  kaparusahan. Kaya, bakit mo pa gagawin ang  mali kung  ikaw ay mapapahamak. Mag banat ka na lang ng  buto para ikaw ay umasenso.

SHARE
Previous articleBakit marami ang naniniwala sa genie?
Next articlePamahiin Buwan: Mga ibig sabihin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here