Bakit may mga taong halang ang kaluluwa?

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

May mga dahilan kaya ang  isang  tao ay tila nawawalan na ng  konsnsiya. Para kasing  sobra sobra siyang  nag  e enjoy sa paggawa ng  krimen. Para kasing  kasiyahan na sa kanya na may mga taong  nasasaktan at napapahamak, pero ano nga ba ang  dahilan at may mga ganitong  tao. Narito ang  ilang mga dahilan kung  Bakit may mga taong  halang  ang  kaluluwa?

Una, masyadong  na spoil ng mga magulang. Kahit naman kasi mahal na mahal mo ang iyong anak, di dapat na lahat na lang  ng  gusto niya ay susundin mo lalo na kung di naman iyon makabubuti sa kanya. Dapat bata pa lang  siya ay alam na niya ang  tama at mali. Kung kukunsintihin mo siya sa mali niyang  gawain, ikaw din ang  magdurusa sa huli.

Pangalawa, dahil sa impluwensiya ng mga nakapaligid sa kanila. Kung masasamang kaibigan ang  natagpuan nila, siguradong madadala rin sila sa gawain ng  kanilang  barkada. Sigurado kasing  tutudyuhin sila. Kaya importanteng piliin ang magiging kaibigan.

Pangatlo, sobra siyang  nagtanim ng  galit sa kanyang  kapwa.   Kung  ang  isang  tao ay palaging nabu-bully, huwag mong asahan na palagi na lang siyang mananahimik. Darating ang panahon na gugustuhin niyang maghiganti sa mga taong nang api sa kanya. At sa pagdating ng araw na iyon, sisiguraduhin niyang di na niya pakikinggan pati ang konsensiya niya.

Kaya, bago ka magsabi ng salita sa’yong kapwa, pakaisipin mo munang mabuti lalo na kung ito ay makakasakit lamang. Baka kasi dumating ang araw na mag-boomerang ito pabalik sa’yo. Tandaan mo rin sana na lahat ng sobra ay makakasama, kahit pa ang sobrang pagmamahal ay di na rin nagiging tama.

O, sure ka bang hindi halang ang kaluluwa ng kasama mo?

SHARE
Previous articlePamahiin Ipin: Tagal ng buhay
Next articleChinese Horoscope; Enero 14

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here