Bakit may mga batang makukulit?

Ang mga batang makukulit ay karaniwang naghahanap ng atensyon. Kaya, Mommy at Daddy, huwag kang maiirita kung lagi ka na lamang tinatanong ng iyong anak kahit na walang kakuwenta-kuwenta. Ang nais lang naman kasi niya ay mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na gumugulo rin sa kanyang isipan o maaaring nais lang naman niya talagang makipagkuwentuhan.

Pupuwede rin namang kaya matanong ang mga bata ay dahil gusto nila talagang malaman kung ano nga ba ang talagang nangyayari sa paligid nila. Aba, masiyahan ka kapag ganito ang iyong anak. Ibig sabihin, gusto nilang madagdagan pang lalo ang kanilang kaalaman kaya makabubuting ibili mo sila ng mga bagay na interesado talaga sila.

Huwag kang basta maiirita kung ang isang bata ay makulit dahil kahit na palagi ka niyang kinukulit ay nabibigyan ka rin niya ng kasiyahan. Iyon nga lang, hindi mo agad iyong malalaman dahil mas pinipili mong mairita sa kanyang presensiya. Subalit, kapag dumating ang oras na hindi ka na niya kinukulit ay siguradong mami-miss mo na siya.

Iyon nga lang may mga batang sa sobrang kakulitan nila ay nakakagawa o nakakapagsabi sila ng masaskit. Kapag ganito kakulit ang bata, kailangan ay kausapin mo siya ng masinsinan. Hindi lang pagmamahal at atensyon ang kailangan niya, maaari kasing may psychological problem siya. Kaya, habang maaga pa, huwag mong babalewalain ang ganitong klaseng kakulitan na ipinapakita niya. Dahil pagdating ng araw ay mas lalong lalala ‘yan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here