Bakit mas happy ang mga taong may simpleng buhay?

1. Walang stress – Ang mga alalahanin ang makapagbibigay sa’yo ng matitinding problema. Kung sanay ka kasi sa marangyang pamumuhay, mas malaki ang magiging problema mo samantalang kung simple lang ang iyong buhay, hindi mo hahangarin ang magkaroon ng sandamakmak na pera.

2. Hindi magastos – Kung malaki ang income na pumapasok sa’yo, mas marami kang magiging pera. Kung may emergency na darating, hindi ka matataranta dahil may pera kang madudukot. Kung minsan kasi, kahit alam mong wala kang budget, gugustuhin mo pa ring gumastos nanggumastos. Siyempre, mali naman iyon.

3. Hindi ka mauutangan – Kapag kasi simple ka lang mamuhay ang agad na iisipin ng iba ay wala kang pera. Kung mayroon mang sandamakmak na perang papasok sa ’yong bulsa, siguradong hindi mo ‘yan ipagyayabang. Sigurado rin naman ako na walang mag-iisip na marami kang pera kung pipiliin mong manahimik.

Sa panahon ngayon, huwag kang maghangad ng sobra-sobra sa mga natatanggap mo dahil diyan magsisimula ang sakit ng ulo mo. Siguro naman ay di mo rin gugustuhing magkaproblema kaya huwag kang mabuhay sa karangyaan kahit pa sabihing marami ka namang salapi. Mas magiging masaya ka pa rin kapag wala kang anumang pinuproblema.

O, ano bang buhay mayroon ka?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here