Bakit mas dapat tangkilikin ang produktong Pinoy kaysa sa banyagang produkto?

0
8985

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. Maaari ngang sabihin mo na, ano ba naman ‘yang si Maria Angela, produkto ang usapan, tapos magsasabi ng sariling wika. May topak ba ang babae na ‘yan? Wala naman po, ang gusto o lang pong ipunto sa inyo, nu’ng panahon ni Dr. Jose Rizal, wala pang mga produktong tulad ng cellphone, relo, at kung anu-anong gadgets kaya hindi niya naikumpara sa produkto ang mga salitang kanyang binigkas. Nang panahon kasing iyon, nasa mga pag-aaral lamang ang atensyon ni Dr. Jose Rizal kaya doon lamang niya itinuon ang kanyang salawikain. Ngunit, nasisiguro ako na kung nabubuhay na siya sa panahong ito, siguradong sasabihin din niyang bago natin mahalin ang produkto ng mga banyaga ay mahalin muna natin ang gawang atin.

Sa pagkain natin ng fastfood, bakit ba ninanais pa natin ang McDonalds, KFC o Kenny Rogers, gayung swak na swak naman sa panlasa natin ang Jollibee? Napakalinamnam pa, hindi tulad ng iba may katabangan. Bukod pa sa napakasarap na, abot-kaya pa ang halaga. NGunit, may mga pagkakataon pa na sasabihin mong, ‘I don’t eat in that fastfood it so cheap.’ Paano nakikita mo na pati gusgusin ay pumapasok sa fastfood na ito. Tapos, mas gusto mo pang kumain ng shawarma kaysa sapin-sapin.

Sa pagpili naman ng cellphone, bakit gugustuhin mo pa ang mga mahal na produkto gaya ng Apple at Samsung gayung mayroon naman tayong Cherry Mobile at MyPhone? Mura na at lahat ng features na nasa cp na gawang abroad ay makikita rin dito. Ay oo nga pala, ang iisipin mo kasi, gawang Pinoy kaya sirain at hindi dapat pagkatiwalaan. Mas mahal, mas okay sa’yo kasi ang iisipin mo, mas matibay iyon.

Tapos kung bibili ka naman ng sapatos, gugustuhin mo pa talaga ‘yung imported ang pangalan samantalang ang sapatos sa Marikina ay napakatibay din naman tapos mura pa. Eh, bakit hindi ito ng binibibili mo? Sa halip, mag-iipon ka pa talaga ng kung ilang libong piso para mabili mo ang sapatos na nakikita mong suot ng paborito mong Hollywood stars kahit sobrang mahal ay talagang pag-iipunan mo.

Hay naku, bakit nga ba tayong ganitong mga Pinoy? Kung sasabihin mong ibig mo lamang makasiguro, hindi ako naniniwala na ito ang dahilan mo. Tiyak kasi n kaya yaw mong pagkatiwalaan ang gawang Pinoy ay dahil umiiral sa atin ang crab mentality. Iyong tipong nakikita nating umaangat ang kapwa nating Pinoy pero pilit nating hinihila pababa.

Hindi man natin siya magawang harapin dahil hindi naman natin kilala kung sino at saan matatagpuan ang nag-imbento ng kung anu-anong pagkain at produkto na ito, mas pinipili nating huwag pansinin ang kanilang gawa at may pagkakataon pa na kahit hindi naman natin natikman o naranasan na gumamit ng kanilang produkto ay magsasabi tayo na marupok o sirain.

Napaka-bad mo kung ganoon ka. Hindi mo man lang naisip na mas masarap na gamitin ang gawa ng kababayan natin. Parang kaysarap ipagmalaki na kababayan ko yata ang gumawa niyan. Kaya, kayong mga may utak talangka riyan, kailangan ninyong malaman ang kabutihang idudulot sa ating bansa kapag tinangkilik natin ng husto ang ating produkto.

Una, sisikat ang imbentor. Kahit pa siya ay maging multi-milyonaryo huwag ka namang mainggit diyan. Maging masaya ka para sa kababayan mo dahil iyon ang tama at makabubuti para sa’yo.

Pangalawa, yayaman ang ating bansa. O, bakit parang nagulat ka? Huwag mo namang sabihing hindi mo alam ito. Well, siguro nga wala kang idey na maaaring mangyari ito pero talagang may posibilidad. Kung ang gawang Pinoy ay makikilala sa buong daigdig siguradong sa kanya ay marami ang oorder, babayrn ang kanyang talino.

O, hindi ba, may pakinabang din naman tayong mga Pinoy doon. Kaya nga maraming bansa ang umaangat dahil wala sa kanila ang may crab mentality, samantalang tayong Pinoy, walang alam gawin kundi maghilahan pababa. Kaya, sana naman ay suportahan natin ang gawa ng ating mga kababayan. Ito kasi ang susi para tayo ay umangat.

BUY FILIPINO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here