Bakit maraming multo sa Simbahan?

48

Latest posts by Ria Odulio (see all)

Kung inaakala mong safe sa mga multo ang Simbahan, nagkakamali ka. Kalimitan nga ay doon sila naglalagi. Kaya, huwag mong paniwalaan iyong ibang palabas na nagsasabing kapag nasa Simbahan ka ay safe ka sa mga espirito dahil karamihan sa mga namatay nating kamag-anak ay matatagpuan din sa Simbahan.

Para kasi sa mga namayapa, ang Simbahan ang pinaka-safe na lugar para sa kanila. Dahil kasi sa Simbahan ay marami ang nagdarasal at umaasa sila na ipagdarasal din ang kanilang mga kaluluwa. Pupuwede rin naman na maging sila ay nananalangin pa rin na magkaroon na sila ng katahimikan kaya sa Simbahan, sila ay naglalagi.

Ang mga multo na hindi matahimik tulad ng mga pinatay ay maririnig nating nananaghoy sa loob ng Simbahan kahit di naman sila doon pinatay. Iyon ay dahil sa kahit wala na sila sa mundong ito ay alam pa rin nila kung saan nga ba sila dapat magpunta para sila ay magkaroon ng katahimikan.

Kaya, huwag ka na matakot pa kung sakaling may magpaparamdam sa’yong multo sa loob ng Simbahan. Hindi naman nila intensyon na takutin o gambalain ka lang. Talaga lang kahit na nasa kabilang buhay na sila ay naghahanap pa rin sila ng kapayapaan at alam nilang mangyayari lang iyon kapag nasa loob sila ng Simbahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here