Bakit marami ang umiidolo kay Ricardo Dalisay?

59

Latest posts by Ria Odulio (see all)

Noong bata pa ako, hindi ako kampante kapag nakakakita ako ng pulis. Pakiramdam ko, may mangyayaring masama kapag may pulis sa paligid. Maaaring sa pananaw ko noon, hindi mabubuting tao ang mga may hawak na baril. Hindi rin kaila sa akin na marami ring pulis ang nasasangkot sa mga gulo.

Kaya, naman noong unang ipalabas ang FPJ Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang Ricardo Dalisay, di ko ito gaanong pansin kaya ang ikalawang episode na ng teleseryeng ito ang aking napanood. Kahit naman kasi wala talaga akong tiwala sa pulis, isa si Coco sa artista na hinahangaan ko kaya pinanood ko na rin siya at nag-enjoy ako sa aking napanood. Bukod kasi sa magaling na artista si Coco Martin, maganda rin ang karakter na kanyang ginampanan, ang maging tagapagtanggol ng Sambayanan.

Si Ricardo Dalisay ay magandang ehemplo ng mga Kapulisan dahil nasa kanyang puso talaga ang paglilingkod kaya naman minahal din siya ng manonood. Dahil sa papel na kanyang ginagampanan, parang unti-unti na ring nawawala ang takot sa puso ko para sa mga pulis. Pinatunayan kasi ni Ricardo Dalisay, hindi naman lahat ng pulis ay may masamang intensyon sa publiko. Mayroon pa rin talagang gusto ring gumawa ng kabutihan sa mga tao.

At ito ang dahilan kung bakit marami ang umiidolo kay Ricardo Dalisay. Siya ay simbolo ng isang alagad ng batas na dapat naman talagang hangaan. Kaya naman pati ang mga Kapulisan ay sumasaludo rin kay Ricardo Dalisay. Tanggap naman kasi ng ibang Kapulisan na di maganda ang tingin sa kanila ng mamamayan lalo na’t marami naman talaga silang katrabaho na umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Sana naman ay hindi talaga nagkamali si Ricardo Dalisay na paangatin ang imahe ng mga pulis. Kahit naman kasi si Ricardo Dalisay ay isa lamang karakter sa teleserye, marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa kanya sa pag-arteng, marami pa ring mabubuting pulis na ang layunin ay maglingkod sa kapwa.

SHARE
Previous articleCIRCUS SA KAHARIAN NG MGA ENGKANTO
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 16, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here