Bakit marami ang nari-rape?

259

Nakalulungkot isipin na may mga taong sinisisi pa ang biktima kung bakit siya nagahasa. May magsasabing kaya raw nangyari iyon ay dahil sa masyado siyang maikli magdamit kaya marami ang natutukso at may mga babae namang sadyang flirt at tila nagbibigay ng motibo para sila ay gawan ng kahalayan.

Maaari ngang mayroon talagang may katwiran ang masasamang sinasabi ito pero hindi pa rin makatarungan kung sila ay sisisihin pa. Kahit naman kasi pagbali-baligtarin mo ang sitwasyon, sila pa rin naman ang lalabas na biktima kaya sana naman huwag na silang kutyain pa. Dahil kahit saan anggulo mo tingnan, ang nagkasala talaga ay ang nanghalay. Ito sana ang pakatandaan ng mga kamag-anak din ng nang-rape na nagbibigay pa ng katwiran kung bakit nang-rape ang kanilang kapamilya. Bakit nga ba marami ang nari-rape? Ito ang katanungan na pinilit kong bigyan ng kasagutan.

Una, dahil sa social media. Hindi naman siguro kaila sa inyo na marami ng porn na mapapanood sa kung anu-anong website. Kahit na sinasabing banned ito sa mga computer shop, sigurado namang makapagda-download ka kung mayroon kang sariling laptop, computer o cellphone.

Pangalawa, dahil sa mga palabas sa tv at pelikula. Kung minsan ay hindi sapat ang may babalang Rated PG o SPG o kung anu-ano pa para di makapanood ang mga bata ng ganitong palabas. Kung wala namang magulang halos na gumagabay sa kanila para mapili ang dapat nilang panoorin, nakakalusot pa rin sila. Kunsabagay, kung ang mga lovestory, romance at sexual stories ang palabas, no choice na rin ang mga tao na iyon na lang ang panoorin. Kung minsan kasi ay nakakalimutan din ng network companies na may mga bata pang viewers kaya dapat ay magpalabas din sila ng cartoons at istoryang pambata.

Pangatlo, impluwensiya ng mga kaibigan. Kapag napasama ka talaga sa maling barkada ay maiimpluwensiyahan ka nilang gumawa ng mali kahit alam mo ang tama. Kung minsan kasi, ang pakikisama ang iniisip mo k,aya di mo makuhang tumanggi sa udyok ng mga kabarkada mo.

O, ano pa ang dahilan kaya marami ang nari-rape ngayon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here