Bakit marami ang naniniwala sa genie?

Marami ang naniniwala sa genie hanggang  ngayon dahil maraming  tao ang  gustong matupad ang  kanyang  hiling  na di nya maabot abot. Kaya, kapag  di natupad ang kanyang pangarap, ang idadahilan niya ay dahil wala siyang  genie na natagpuan. Kung ako ang  iyong tatanungin di mo naman kailangan ng  genie para makuha mo ang gusto mo. Kahit naman kasi walang genie ay matutupad mo ang  lahat ng  g usto mo.

Kung  ibig  mo talagang magkaroon ng limpak limpak na salapi, kailangan mong  mag  aral ng  mabuti. Para makakuha ka ng magandang  trabaho, kailangan ay maging seryoso ka muna sa’yong  pag  aaral. Kailangan mong  maghirap muna kung  gusto mong  g umanda ang  buhay mo.

Kung nais mo namang magkaroon ng lovelife, matuto kang  maghintay. Ang  tamang  tao ay darating sa tamang  pagkakataon. Kung sakali namang di siya dumating, kailangan mo iyong tanggapin. Baka naman kasi di ikaw ang  tipo ng  tao na kakailanganin ng kasama sa buhay.

Saka sana ay huwag  mong kalilimutan na di naman genie ang  kailangan mo kung  nais mo talagang may mabago sa’yong  buhay. Dapat ang  Dakilang  Lumikha ang  iyong  tawagin para makuha mo ang anumang  naisin mo sa buhay. Siya naman kasi ang  tunay na nakakaalam kung  ano ba ang  iyong  kailangan.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 12
Next articleBakit may pumapatay sa barya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here