BAKIT MAPANGANIB ANG HALAMANG ITO KUNG ILALAGAY SA LOOB NG BAHAY

5875

Sadyang mainam ang paglalagay ng mga halaman sa loob ng bahay. Nagsisilbi itong air purifier na naglilinis ng mga toxic air substance. Nakatutulong rin ito sa mainam na produksiyon ng oxygen sa loob ng bahay na mabuti sa kalusugan ng mga nakatira.

        Ngunit tatandaan na hindi lahat ng uri ng halaman ay maaaring ilagay sa loob ng bahay. Isa na rito ay ang halamang Dieffenbachia.

                Ang halamang ito ay may malalapad na dahon na kulay berde. Magandang tingnan ang halamang ito sa loob ng bahay. Ngunit, hindi  ito ang angkop na lugar para sa halamang ito. Ito ay dapat lamang sa labas.

        Ito ay isang uri ng wild plant na orihinal na matatagpuan sa mga kagubatan. Bahagi ng kaniyang defense mechanism upang hindi siya kainin ng mga hayop ay ang paglalabas ng toxin sa hangin at sa dakta. Kapag ikaw ay nalagyan ng dakta ng halamang ito sa balat, ito ay mangangati ng matindi na maaaring mauwi sa pagsusugat.

        Angkop ilagay ang halamang ito sa labas bilang pambakod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here