BAKIT MAHALAGANG MAGKAROON NG HIMALAYAN SALT LAMP

3232

Kamakailan ay nauuso ang Himalayan salt lamp. Ang pagkakaroon nito ay hindi lamang isang fad dahil na rin sa taglay nitong mga benepisyo.

Bukod sa pagiging decorative, ang Himalayan salt lamp ay natural source ng fresh and clean air. May kakayahan itong i-purify ang hangin sa loob ng bahay. Sinasala nito ang anumang alikabok, usok, pollen at iba pang air pollutants.

Dahil sa air-purifying properties ng Himalayan salt lamp, mainam itong gamiting panlaban sa air-borne allergies. Recommended ito sa mga may asthma.

Hindi man nakikita ng ating mga mata, ngunit ang loob ng ating bahay ay puno ng mga positive (t) ions na masama sa ating kalusugan. Ang mga ions na ito ay nagmumula sa mga modern electronic devices. Sa sandaling malanghap, bumabara ang mga positive ions sa ating lungs na siyang sanhi ng pag-ubo. Hinihigop ng Himalayan salt lamp ang positive ions. Ang warm salt nito ay nagri-release ng steam na siyang makalilikha ng mga negative ions na pupuksa sa positive ions.

Ang positive ions din ang may salarin kung bakit nadi-drain ang ating energy. Ito ang dahilan kaya minsan ay nakararamdam tayo nang matinding pagkapagod at panlalata na animo’y ubos na ubos ang energy sa ating katawan. Maglagay lang ng Himalayan Salt lamp sa kuwarto o spot kung saan ka laging nakapuwesto. Bubuti ang inyong pakiramdam pagkaraan lamang ng ilang araw.

Karamihan sa atin ay hindi rin aware na sinasakop na ng electromagnetic radiation ang loob ng ating mga bahay. Ang electromagnetic radiation na ito ay galing sa mga modern devices tulad ng mobile phones, telebisyon, computers, tablets, wireless devices, at iba pang gadget. Ang electromagnetic radiation ay nakapagdudulot ng iba’t ibang health problem gaya ng stress, chronic fatigue, at mababang immunity. Nagagawang i-neutralize ng Himalayan Salt lamp ang electromagnetic radiation sa pamamagitan ng pagpapalabas ng negative ions.

Naapektuhan ng positive ions ang kalidad ng ating pagtulog dahil pinabababa nito ang supply ng dugo at oxygen sa ating utak. Sa tulong ng Himalayan Salt lamp, magiging mahimbing ang inyong pagtulog. Ito ay dahil pinabubuti ng Himalayan salt ang sistema ng pagdaloy ng oxygen sa ating organs. Bukod sa mahimbing na pagtulog, nakatutulong rin ang Himalayan salt lamp upang magkaroon ng mabuting mood at concentration. Pinalalakas rin nito ang secretion ng serotonin sa ating utak. Ito ay neutransmitter na tumutulong upang tayo ay maging masaya at laging nasa mabuting disposisyon.

Ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan na ang Himalayan Salt lamp. Tiyakin lamang na sa authorize dealer kayo bibili upang hindi mapeke.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here