Bakit maagang namamatay ang mga kaliwete?

Avatar

 

Tunghayan kung bakit maagang namamatay ang mga kaliwete.

Ikaw ba ay isang kaliwete? Hindi kaliwete na nangangaliwa sa kanyang mahal kundi kaliwete sa kamay. Higit na nakalalamang sa ating populasyon ang mga gumagamit ng kanang kamay kaysa kaliwa. Kaya naman ang mga gadget ay idinidisenyo para sa kanang kamay. Ang mga gumagamit ng kaliwang kamay o tinatawag nating kaliwete ay tinatawag ding sinistrality. Ito yung mas ginagamit ang kaliwang kamay sa mga aktibidad sa bahay, pagsusulat at iba pang gawain. Kadalasan, ang mga taong namamangka sa dalawang ilog ay tinatawag na kaliwete dahil mula sa kanan na sinasabing tama ang pangangaliwa ay ipinapalagay na pagtataksil.

Ilan sa mga kilalang personalidad na gumagamit ng kaliwang kamay ay sina US President George H.W. Bush, Bill Clinton at Barack Obama. Sa mga nobelista naman ay sina James Baldwin, Bet Bowin at Peter Bonchley. Habang sa mga musicians naman ay sina Phil Collins, Crystal Gayle at Paul McCartney.

Ayon kina Halpern at Coren na gumawa ng kanilang listahan, ang mga kaliwete ay mas maagang namamatay kaysa mga right handed. Mula naman sa article ni Katie Kerns, ang mga left handed ay may mas malaking posibilidad ng psychosis. Mula sa pag-aaral ng mga researchers sa Yale University sa New Haven, Connecticut at University of Texas Southwestern Medical sa Dallas, ang psychosis tulad ng tinatawag na schizophrenia ay may 40% na lefthandedness. Ang mga lefties ayon naman sa left-handers club ay may advantage na magkaroon ng magandang career sa larangan ng art. Mahusay din sa sports at mga kaliwete. Mula naman sa Journal of Nervous and Mental Disease, ang mga kaliwete ay may negatibong emosyon. Mahirap para sa kanila ang pagpoproseso ng kanilang emosyon.

Ilan lang ang mga iyan sa mga personalidad at kaugalian ng mga kaliwete ayon sa mga nakaraang pag-aaral. Marami pang pag-aaral tungkol sa pagkatao ng mga left handed ang ating matutuklasan sa hinaharap. Subalit anuman ang iyong ginagamit , kanan man o kaliwa hindi ito basehan ng pagiging mabuting tao na dapat mangibabaw sa atin.

Salamat sa pagbasa sa artikulong Bakit maagang namamatay ang mga kaliwete.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here