Noong araw, hindi pinapansin ang snake plant o espada kung tawagin. Noong bata nga ako, binubunot lang ito dahil itinuturing itong damo na walang pakinabang.
Ngunit sa paglipas ng panahon, unit-unti ay nari-realize ng mga tao ang kahalagahan ng halamang snake plant. Katunayan, sa USA, napakamahal raw ng snake plant dahil isa ito sa pangunahing indoor plant sa kanilang bansa.
Ano nga ba ang mayroon sa snake plant at naging bigla ay napakahalaga nitong halaman?
Ang snake plants ay kilalang air-purifying plant na humihigop ng iba’t ibang mikrobyo at kemikal sa hangin.
Sa feng shui naman, itinuturing ang snake plant bilang isang lucky indoor plant.
Kontrobersiyal ang reputasyon ng snake plant sa Feng shui. Hati ang pananaw ng mga eksperto sapagkat may nagpapalagay ang snake plant ay isang bad feng shui plant. Ngunit kung ilalagay sa tamang posisyon, ang snake plant ay makapaghahatid ng strong protective energy na magsisilbing force shield laban sa negative Chi. Ipuwesto lamang ang snake plant na lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao, tulad sa mga sulok-sulok o corner.