BAKIT ITINUTURING NA MASUWERTE ANG PAGKAIN NG PANSIT

221

Ang pansit o noodles ay tanda ng paghiling ng kasaganaan.

Sa ilang bahagi ng China, tradisyon na ang sabayang pagluluto ng dumplings at noodles. Ito ay sumasagisag sa gold and silk ingots.

 May iba’t ibang uri ng pansit—mahaba, maiksi, tuyo o dry, vegetarian, meat, at iba pa.

Karaniwang gawa ang noodles sa harina, giniling na bigas, o green bean powder.

Noong unang panahon, ang noodles ay tinatawag na soup pancakes (汤饼—tang miàn). Karaniwang pinupunit ang dough sa maliliit na piraso at saka ihahagis sa kumukulong pot. Nagsimula lamang ihugis ang noodles sa korteng alam natin ngayon noong Tang Dynasty. 

Ang pansit ay tinatawag ring 长寿面 (cháng shòu miàn), o longevity noodles. Sinasabing malas kung puputulin at ngunguyain ang noodles. Mas mahaba ang noodles, mas magiging mahaba ang buhay ng isang tao.

 May iba’t ibang sangkap o side dish na maaaring ihalo sa noodles; bawat isa ay may kahulugan at simbolo.

a.  Itlog—para sa masaya at malusog na pamilya

b.  Lobster—para sa walang hanggang pasok ng pera

c.  Hipon—para sa kayamanan at kasaganaan.

d.  Inihaw na Baboy—para sa kapayapaan.

e.  Pato o bibe—para sa katapatan.

f.    Peaches—para sa mahabang buhay.

g.  Tofu o tokwa—para sa masaya at masaganang buhay may-asawa.

h.  Isda—para sa maunlad na kabuhayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here