BAKA IKAW RIN: 10 Signs na Cyber Bully Ka

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Marami na ang kumakalat sa internet ngayon at sa sobrang dami nang impormasyon na nakukuha natin sa isang araw sa pamamagitan lang ng pag-scroll sa ating cellphones. Marami rin tayong nashe-share at nalalagyan ng comments dahil readily available na ang mga posts sa timeline natin. Yun nga lang, hindi natin namamalayan na ang shine-share natin ay nakakasira na pala sa ibang tao. Sabi nga sa isang quote “The pen is mightier than the sword”. Kapag may nabitawan ka nang salita, hindi mo na ito mababawi.

Ngayon, ang pagsusulat at pagsasabi ng masasakit na salita ay katumbas na rin ng pagtatype sa laptop o kaya ay sa cellphone. Sa Pilipinas, marami na ang may access sa internet. Nakakalungkot isipin na dahil sign ng development dapat ang Internet sa isang bansa, pero tila yata sa Pilipinas ay nakahanap lang ng platform para magsabi ng masasakit na salita. Malakas na kasi ang loob ng iba dahil alam nila na hindi sila makikita ng ibang tao o di kaya ay yung iba naman ay nakatago ang identity kaya tingin nila ay kaya nilang sirain ang buhay ng ibang tao. Nakikita ito ng iba bilang isang KAPANGYARIHAN. Ang nakakagulat na trivia dito ay, “MINSAN YUNG BIKTIMA AY CYBER BULLY DIN”.

Basahin ang listahan na ito para makita ang signs na isa ka na ring cyber bully.

  1. Kung nag-post or repost ka ng mga impormasyon na makakasira sa reputasyon ng ibang tao

Akala mo nakakatawa, pero yung totoo, maaaring maging sanhi ng depression ang ginagawa mo. Habang tuwang tuwa ka sa isang click sa cellphone mo at pag-share, hindi mo alam na sinisira mo na ang buhay ng isang tao. Kahit pa mali ang nakikita mo sa kanya, wala kang karapatan na mangpahiya ng ibang tao. Mag-kaiba ang AWARENESS sa TAKING REAL ACTION and INVOLVEMENT.

  1. Kung gumamit ka ng impormasyon na hindi mo sigurado kung totoo pero pinagkalat mo sa social media account mo

Mahilig ka magbasa ng articles online, pero hindi ka marunong mag fact check. Kapag may nakita kang balita online, papaniwalaan mo na agad ito at ipagkakalat. Nakakalungkot isipin na may ibang tao na naniniwala sa mga maling balita. Kung isa ka dun, maging mas mapanuri sa mga nababasa mo.

  1. Nag-comment sa isang page, timeline ng ibang tao, group na may kasamang masasakit na salita at pakikipag-away sa ibang tao

Kapag nakabitaw ka na ng salita, hindi mo na ito mababawi. Tandaan mo na maaaring bumalik sayo ang online behaviour mo dahil ilang years from now, hindi na mabubura ang mga comments mo sa ibang tao pag natabunan na ng ibang posts. Maging responsable ka dahil malay mo pag may nakakita ng comments ilang years from now, mag-iba bigla ang tingin sayo.

  1. Kung nagpost ka ng larawan ng isang tao para gawin siyang katatawanan

Hindi lahat ng biro ay nakakatawa, at lahat ng jokes ay dapat nilulugar. Kung naninira ka na ng tao at pinapahiya siya, at tingin mo ay nakawala ka na agad, mag-isip isip ka na sa takbo ng iyong pag-iisip. Cyber bully ka na nga.

  1. Kung nag-iinsulto ka sa interactive game rooms at gusto mong gumanti sa pamamagitan ng pamamahiya

Baka hindi mo namamalayan na gusto mo na lang din mamahiya ng ibang tao kapag naiinsulto ka. Napunta ka na sa mga paniniwala na “KATUWAAN LANG NAMAN” o “DESERVE NIYA YAN PAHIYAIN NATIN YAN”.

  1. Kung nananakot ka sa ibang tao para makuha mo ang gusto mo

Kung napakadali na lang para sayo na manakot ng ibang tao para sa personal gain mo, tandaan mo na pwede ka na rin ma-consider na kriminal at maaari kang kasuhan sa ginagawa mong cyberbullying.

  1. Kung gumagamit ka ng fake account para murahin ang taong ayaw mo

Yung fact na tinatago mo ang identity mo para makapanakot at makapang-away ay sign na na hindi tama ang ginagawa mo.

  1. Kung nagpopost ka ng mga bagay na kasinungalingan tungkol sa taong ayaw mo at kumukuha ka ng simpatya

Minsan pinapakita mo pa na biktima ka, pero ang totoo, gusto mo lang din pahiyain ang mga taong nakapanakit sayo. Kung totoong gusto mong masolusyonan ang mga problema mo na naranasan offline, mas buti pa na magsumbong ka sa pulis o di kaya ay sa kinauukulan. Kung nilalagay mo sa sitwasyon ang ibang tao para mapahiya siya katulad ng pagkapahiya mo, hindi ka nalalayo sa kung ano man ang ginawa niya sayo.

  1. Kung ginagamit mo ang pribadong account ng isang tao nang walang paalam

Identity theft ang tawag dyan, at cyberbullying na rin. Kung may respeto ka sa isang tao, hindi mo pakikielaman ang kanyang account.

  1. Kapag binibigay mo sa ibang tao o ginagawa mong public ang isang pribadong impormasyon ng isang tao nang walang pahintulot

Mabigat ang charges na pwedeng isampa sayo kung itutuloy mo ito. Tandaan mo na akala mo nakakatakas ka sa mga ginagawa mo, pero may batas na kaya kang habulin.

SHARE
Previous articleHappy Birthday, Mary Gabrielle Monzon
Next articlePAMAHIIN: Good Luck and Bad Luck sa Negosyo
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here