Bagani April 5 to 6; Ang pamamaalam nina Ganda at Mayari sa Bagani

Sa Bagani April 5 to 6 ay nagluksa ang lahat sa naging pamamaalam ni Mayari (Sofia Andres) ang bagani ng mga taga-laot. Kasalanan ni Lakam (Matteo Guidicelli) ang bagani ng mga mangangalakal. Dahil sa pansariling interes ay inilagay niya sa panganib ang buong sansinukob. Matindi kasi ang pagnanais niya na mapasakanya si Ganda (Liza Soberano) ang bagani ng mga taga-patag. Dahil sa kagustuhan niyang ito ay pinakawalan niya ang mortal na kalaban ng kabutihan na si Sarimaw (Ryan Eigenmann)at saka siya nakipagkasundo dito. Hindi niya alam kung gaano katuso si Sarimaw na kahit mismong kapatid na si Apo (Diether Ocampo) ay kinalaban. Kunsabagay pareho sila ng ugali ni Lakam na sariling kahalagahan lamang ang iniisip.

Dahil nga sa nakawala na si Sarimaw ay inumpisahan na nito ang paghahasik ng lagim bilang paghihiganti sa pagkakakulong niya dahil sa mga bagani. Nagpalaganap siya ng mga kidlat at kinalaban siya ng dalawa sa mga bagani na sina Mayari at Dumakulem (Makisig Morales). Pero, hindi pinalad si Mayari at natamaan siya ng kapangyarihan ni Sarimaw. Ganoon na lamang ang kalungkutan ni Dumakulem lalo na ni Datu (Enzo Pineda). Labis nitong dinamdam ang pagkawala ni Mayari na iniibig niya.

Inihatid naman ni Dumakulem ang pangyayari sa mga kapwa niya bagani na sina Ganda at Lakas (Enrique Gil). Hindi makapaniwala ang mga ito. Pero wala na silang panahon para magluksa dahil nasa harapan na nila si Sarimaw at wala silang pagpipilian kundi kalabanin ito at ipagtanggol ang sansinukob. Kahit pa kulang na sila. Ganoon na lamang din ang disappointment nila nang malaman na si Lakam mismo ang nagpakawala kay Sarimaw. Matinding labanan ang nangyari na ikinabahala hindi lamang ng buong sansinukob kundi maging ng makapangyarihang babaylan na si Gloria (Dimples Romana).

Hindi na rin kinaya ni Ganda (Liza Soberano) ang powers ni Sarimaw (Ryan Eigenmann). Kasalanan Ito ni Lakam ( Mateo Guidicelli). Dahil sa sarili niyang interes Kay Ganda ay pinili niyang pakawalan si Sarimaw kapalit ay mapasakanya si Ganda. Una nang hinarap nina Mayari ( Sofia Andres) at Dumakulem ( Makisig Morales) ang galit ni Sarimaw. At Ito nga ang naging dahilan para sa kasawian ni Mayari. Nagluksa ang lahat lalo na si Datu (Enzo Pineda) na umiibig kay Mayari. Labis din ang naging kalungkutan ng mga natirang bagani. Kahit pa kulang na sila ay matapang na hinarap nila Lakas ( Enrique Gil), Ganda at Dumakulem si Sarimaw para maipagtanggol ang mga taga sansinukob. Pero mas pinili ni Ganda na protektahan ang kapwa niya mga bagani. Ikinulong niya ang mga ito sa shield. At isinakripisyo ang sarili. Hindi iyon matanggap ni Lakas kaya nagwala siya pero wala siyang nagawa para maipagtanggol si Ganda.

Ano na ang kahihinatnan ngaun ng Sansinukob gayong isa-isa nang bumabagsak ang kanilang mga bagani? Abangan natin kung anong twist ang mangyayari para higit na maging kaabang-abang ang mga susunod pang kabanata sa Bagani

More TV Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here