Babala sa Nagkakamot ng Palad

Kapag nakakaramdam tayo ng pangangati, pagkakamot ang una nating ginagawa na para bang sa pamamagitan nu’n ay makakaramdam tayo ng kaginhawahan at kung hindi pa tayo nasisiyahan sa pagkakamot ay maglalagay tayo ng gamot sa pangangati. Ngunit, alam mo bang hindi lahat ng bahagi ng katawan natin ay dapat nating kapag nangati?

Ang palad mong nangangati lalo na at kanan ay hindi mo dapat kamutin. Ang sabi kasi sa pamahiin, ang kanang palad kapag nangati ay magkakaroon ka raw ng pera. Kaya kung kakamutin mo lang ito ay maaaring mawala ang pagkakataon na iyon. Siguro naman ay hindi mo gugustuhin mangyari iyon, hindi ba?

May mga tao kasing may taglay na suwerte. Hindi man nagtatrabaho ay parang kusang dumarating sa kanila ang pera. Maaaring may taong magbibigay sa kanya sa kanya ng suwerte. Kung mangangati ang palad mo ay maaari talagang magkaroon ka ng pera sa susunod na araw kaya’t huwag na huwag mo itong hayaang mapurnada.

Hindi naman mahirap na sakripisyo na huwag mong kakamutin ang kanang palad mo kapag nangati kaya gawin mo na lang. Ito rin naman ay para sa’yong kabutihan. O, susundin mo ba ang sinabi ko? Ikaw ang bahala kung susuwayin mo ang aking babala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here