Babala sa mga Nangangaliwa

101

ANG kasal ay hindi basta-basta tinatalikuran. Kamatayan lang ang dapat na makapagpahiwalay sa mga taong ikinasal. Kung may asawa ka na dapat lamang na gampanan mo ang iyong papel bilang mister o misis. Huwag mo hahayaang may mamagitan sa inyong ibang tao lalo na’t higit  ang iwanan mo ang iyong asawa para sa iba. Dahil baka mapahamak ka Hindi lang masaktan kundi baka mamatay.

Gaya ng madalas kong sabihin sa iba kong artikulo, ang galit ay isang makapangyarihang emosyon na makapagdadala ng kapahamakan sa buhay ng ibang tao. Kahit na gaano ka kamahal ng iyong asawa, kung sinaktan mo siya ng todo ay makapagsasabi siya ng masasamang salita sa’yo at baka nga hilingin din niya ang iyong kamatayan.

Hindi ko naman sinasabi ito para takutin lang kita, kung ayaw mong maniwala ay bahala ka, ngunit tanungin mo ang iyong sarili, mula ba ng niloko mo ang iyong asawa ay nagkaroon ka na ng magandang buhay? O, baka naman mas lalo pang naging miserable ang buhay mo. Kung inaajala mong nagkataon lang ‘yan ay nagkakamali ka.

Ang salita natin ay napakamakapangyarihan kaya anumang salita na lumabas sa bibig natin ay maaaring magkatotoo. Kaya, huwag kang mananakit ng damdamin lalo na sa taong pinili mong makasama sa habambuhay dahil malaki ang posibilidad na hilingin din niya pati ang iyong kamatayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here