Babala sa mga Mapili sa Pagkain

Kung may mga tao na sobrang naghihirap dahil walang makain, mayroon naman syang umiingos pa kapag nakitang hindi niya type ang ulam. Nakakainis man ang mga taong ito ero hindi naman natin sila masisisi kung ganoon ang facial expression nila kapag nakitang hindi nila gusto ang ulam.  Marahil ay dahil sa maganda ang buhay na kanilang nilakhan.

Ikaw ba ay ganoon?

May mga tao talagang hindi marunong mag-apreciate ng mga bagay na mayroon sila kaya ang mga suwerteng nasa kanilang kamay ay kanila lamang pinapawalan. Ito ang nangyayari kapag hindi mo pinahahalagahan ang pagkain na nasa iyong harapan. Kaya kung ayaw mong kumain ay huwag na huwag mong itutulak ang plato na alayo sa’yo dahil baka sa susunod ay wala ka ng makain.

Kahit pa sabihin mong maykaya ang iyong pamilya, kung hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay na nasa iyong haraan ay maaaring mawala ‘yan anumang oras. Sana naman ay huwag mong hihintaying mangyari iyon dahil sinisiguro ko sa’yong ikaw din ang mahihiraan.

Kaya, anuman ang ulam na nasa iyong harapan ay iyong kainin dahil biyaya sa pamilya mo ‘yan. Siguro naman ay alam mo na maraming tao ang walang makain, kaya, huwag mo iyong gugustuhing mangyari sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here