Babala sa mga malulupit

Ang mga taong mababait lang ang pinagpapala. Kapag ikaw ay gumawa ng masama sa kapwa mo o kahit sa hayop at sa lahat ng mga nilalang na may buhay ay maaari kang maparusahan at hindi lang simpleng pananakit ang maaari mong maramdaman. May tendensiya din na mapatay o makapatay ka.

Ang mga taong malulupit sa kanyang kapwa ay napaghihigantihan din. Maaari siyang mabugbog. Kung hindi man ng kanyang nakaaway ay ang kapamilya ng kanyang inagrabyado. Kapag  ang napagdiskitahan mo namang pagmalupitan ay ang mga hayop ay maaari ka ring maaghigantihan nito o may taong siguradong magtatanggol sa hayop na iyong napaparusahan. At kung ang mga puno at halaman naman ang sinisira mo, maaaring may nilalang doon na gumanti dahil sa kalupitan mo

Ang anumang masasamang ginagawa mo sa’yong kapwa ay parang boomerang na babalik sa’yo kaya dapat lang naman maging mabait ka lagi, hindi lang sa mga taong nagmamahal sa’yo at sa mga taong gusto mo para ikaw ay pagpalain, kundi sa lahat ng nilalang sa mundong ito kabilang na ang mga hayop at kalikasan.

Ang mga taong malulupit ay walang nararating sa buhay. Sila ay kalimitang minamalas. Nagkakaroon sila ng misableng buhay bilang kaparusahan sa mga maling ginagawa nila sa buhay. Kung talagang gusto mong maging mapalad, makabubuti pang maging mabait ka at mapagmahal para lubos kang pagpalain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here