BABALA: List of Prohibited Firecrackers and Penalties in the Philippines

0
189

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang Philippine National Police (PNP) ay nag-release na ng listahan ng mga prohibited firecrackers at penalties para sa mga lalabag dito. Malapit na ang New Year celebration, kung kaya’t nagiging mas alerto na ang ating mga kapulisan para mas ligtas ang mga tao sa paparating na 2019.

Isa sa tradisyon kapag bagong taon ay ang pagpapaputok bago sumapit ang January 1. Karamihan nga ay nagpapaputok kahit hindi pa 12:00 am. Dinaraos ang pagpapaputok sa mga subdivisions at public places. May mga Pilipino na talagang pinaggagastusan ito dahil paniniwala nilang nakakadulot ito ng swerte para sa panibagong taon na darating. Ngunit hindi ito ang pinapaniwalaan ng Department of Health at Philippine National Police. Para sa kanila, delikado ito dahil maaaring makapatay ito. Marami nang cases noon palang ng mga naputulan na ng parte ng katawan dahil sa mga paputok. Kaya’t para sa safety ng nakakarami, nag set na ng limit ang PNP sa paggamit ng firecrackers sa darating na 2019.

Ayon sa Official Facebook Page ng PNP, ito ang listahan ng mga prohibited firecrackers:

1. Piccolo

2. Watusi

3. Giant Whistle

4. Giant Bawang

5. Large Judas Belt

6. Super Lolo/Thunder Lolo

7. Atomic Big Triangulo

8. Pillbox

9. Boga

10. Kwiton

11. Goodbye Earth

12. Goodbye Bading

13. Hello Columbia

14.  Coke-in-Can

15.   Kabasi

16. Og

Ayon sa social media post ng PNP, pwera pa dito ay bawal din magpaputok ng mga firecrackers na walang label, kahit pa imported ito. Ang penalties na naghihintay sa violators kabilang ang manufacturers, sellers, distributors at users ay ang mga sumusunod:

1. A fine of Php 20,000.00 – Php 30,000.00

2. Six months to one year imprisonment

3. License and business permit cancellation

4. Inventory of stock cancellation

Indiscriminate Firing ay Pinagbabawal din Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ulat ng mga kaso ng indiscriminate firing o walang pakialam na pagpapaputok.

Sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Senior Superintendent Benigno Durana na ang mga pulis o iba pang naka-unipormeng tauhan na nasasangkot sa mga kaso na may kinalaman sa isang ilegal na paglabas ng baril ay pahihintulutan at maaalis mula sa kanilang mga tungkulin.

Sinabi pa ni Durana sa mga tao na ipaalam sa mga awtoridad kung makakita man sila ng mga nag-papaputok ng kanilang mga baril.

HULING BABALA: Tandaan na walang problemang magdiwang sa darating na bagong taon, pero siguraduhin na ligtas ang selebrasyon dahil mahirap mawalan ng mahal sa buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here