Babae Pinakasalan ang Zombie na manika

    110

    Isang babae sa Massachusetts, USA pinakasalan ang kanyang manikang zombie. Sadyang nakakaawa ang kalagayan niya subalit diyaan sa magiging masaya. Hindi man normal pakinggan para sa atin at weirdo mang tignan wala tayong magagawa kundi maawa na lang din sa kalagayan niya.

    Sa matinding lungkot at depression na kanyang pinagdaanan na sinamahan na din ng mga napaka weird niyang tastes o kagustuhan kaya niya napagdesisyunang magpakasal na lang sa manika niyang zombie na 37 years old na ang tanda base sakanya. Sila raw ay nagpakasal noong September 15 2018, at ang manikang zombie daw ay regalo sakanya ng kanyang tatay na ngayon ay patay na. Noong 10 years old daw siya ay Nakita niya ang manikang zombie sa isang website at tumibok na kagad ang kanyang puso para dito at sinabing kailangang mapasakanya ang manika. Kung kaya’t pinakiusapan niya ang kanyang ama na bilhin iyon at pumayag ang kanyang ama basta siya ay magkaroon ng magandang grado.

    Nawawala daw ang kanyang depression kapag sinasama niya sa shopping ang manikang zombie at binibilhan niya ito ng mga damit. Siguro nga ay hinayaan na lang din siya ng kanyang Psychiatrist na ituring nag anon ang manika dahil nakaktulong ito sa depression niya. Lubha nga naman siyang nakaawa sapagkat wala na siyang kasama sa buhay na gagabay at aalalay sakaniya kaya’t yung manika na lamang ang Nakita niyang makakasama niya at iintindi sakanya.

    Tinuturing man dawn a biro ng mga tao and relasyon nila, wala daw siyang pake dahil mahal niya ito. Meron pa silang ternong kwintas, singsing, at tattoo. Madalas niya ding kasama itong kumain sa labas at nagpapanggap na lamang siya na kumakain ito.

    Maaaring nag ugat ang kalungkutan niya sa pagkamatay ng kanyang ama. At dahil nga wala ng nag babantay at tumitingin sakanya ay hindi niya na nabigyang pansin na may pinagdadaanan na siyang malubha. Sa kanyang pag uugali pa lamang masasabi mo ng may pinagdaanan siyang matinding trauma at kailangan niya ng tunay na pagamamahal sa tunay na tao at hindi sa manika.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here