Aswang Sa Panaginip, May Ibig Bang Ipahiwatig?

0
319

Marami na tayong artikulo at mga kuwentong nabasa tungkol sa aswang. Gayundin sa mga bagay na may kaugnayan dito. Kung tutuusin ay alam na natin halos lahat ang kanilang pinagmulan, mga gawain nila, mga panlaban sa kanila at kung paano sila makikilala.Lahat ng iyan ay nabasa natin, napanood o kaya naman ay narinig mula sa mga matatanda at sa mga taong may karanasan na mismo sa aswang. Pero paano kung sa panaginip ka naman dalawin ng aswang? May ibig sabihin kaya o meron kaya itong ibig ipahiwatig sa’yo.

Narito ang ilan sa mga kahulugan na maaari mong pagbasehan kapag aswang ay iyong napanginipan.

Hinahabol ng aswang

nakatakda mong harapin sa hinaharap. Isang pagsubok ang iyong pagdaraanan na tulad sa kung paano ka kasigasig na maabutan o mapatay ang aswang ay ganoon din ang mararamdaman mo na malabanan ang pagsubok na ito. Hindi mo na isasaalang-alang ang ibang bagay na maaapuktahan basta ang iisipin mo ay magwakas ang iyong problema.

Kung ikaw ay hinahabol ng aswang sa panaginip, hindi maganda ang nais ipahiwatig nito. Maaaring ikaw ay may tinatakasan sa iyong buhay at kahit na anong gawin mong pag-iwas at paglimot dito ay hindi mo ito magagawang alisin sa iyong buhay. Ito ay maaaring tao na may kinalaman sa iyong nakaraan na iniiwasan mong maging bahagi muli ng iyong buhay. Maaari rin namang isang sitwasyon na hindi mo gustong balikan pa. Ikaw ang humahabol sa aswang Sa iyong panaginip ikaw naman ang siyang tumutugis sa aswang. Puno ka ng tapang at desidido kang mapatay ang aswang. Ito ay may kinalaman naman sa isang problemang nakatakda mong harapin sa hinaharap. Isang pagsubok ang iyong pagdaraanan na tulad sa kung paano ka kasigasig na maabutan o mapatay ang aswang ay ganoon din ang mararamdaman mo na malabanan ang pagsubok na ito. Hindi mo na isasaalang-alang ang ibang bagay na maaapuktahan basta ang iisipin mo ay magwakas ang iyong problema.

Aswang sa bubungan

Kung may nakita ka sa panaginip mo na aswang na nasa inyong bubungan o bubungan ng kapitbahay at ito ay matalim na nakatitig sa’yo, ito ay nangangahulugan na ikaw ay may matutuklasang lihim at magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na sabihin ito sa iba.

Patay na aswang sa kalsada

Kung sa iyong panaginip naman ay nakakita ka ng patay na aswang sa kalsada at wala man lang pumapansin dito, ito ay nagpapahiwatig na ang iyong mga problema ay masosolusyunan na nang hindi mo namamalayan at ang solusyon ay manggagaling sa taong hindi mo inaasahan.

Nakikipaglaban ka sa aswang

Kung ikaw naman ay nakikipaglaban sa aswang sa iyong panaginip at ikaw ay sugatan na at kahit hindi mo pa rin siya magapi subalit patuloy ka pa ring lumalaban, ito ay nagpapahiwatig na hindi ka dapat sumuko sa anumang pinagdaraanan mo ngayon kahit gaano pa ito maging mahirap para sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here