ASTROLOGY- PAHULA#1: Sa abroad ka aasenso, Mariacristina

3
845
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang  request ni Mariacristina  

Dear Sir Govinda Jeremaya,

        Pahula rin po ako, Sir. Feb.12.’78 ang birthday ko at ang mister ko naman ay March 12 ’76. Ikinasal kami nu’ng April 27 ’99 . Kasalukuyan po nasa Saudi ako at ang mister. K, sa Pilipinas nagwu-work.  Tatlo ang anak namin, Aug.15 ’99 , Nov.29 ’00 at April 01 ’04 ang birthdays ng mga anak namon .Suwerte po ba ako dito sa abroad , sa mister ko at sa mga anak ko? Makakatapos po ba sila  ng pag-aaral o mag business na lang  sa Pilipinas?

                            Mariacristina

 Sayo Mariacristina,

     Ang iyong zodiac sign na Aquarius ay isang airsign, ito ang dahilan kung bakit nasa abroad ka sa ngayon. Dahil ang mga nasa air signs tulad ng Aquarius, Gemini at Libra ay  may udyok ng buhay na mangibang –bansa.

   Ang totoo nga, kung mananatili sila sa kanilang lupang sinilangan, hindi sila aasenso at hindi sila yayaman na malabong maabot nila ang dulo ng kanilang mga pangarap.  Ang sinasabing “udyok ng buhay”  ’yon, Mariacristina, ang mismong utos ng kapalaran at  para sa’yo, ang utos na natanggap mo ay ang ikaw nga ay mag-abroad.

At  ang bawat sumusunod sa utos lalo na sa Utos ng Kapalaran ay  pinagpapala at nakakatanggap ng mga biyaya at  masasabing may bonus pa na regalo para sa masunurin at ito ay ang, “Isa lang ang gusto mo  pero dalawa  o higit pa ang ibinigay sayo.” 

     Ito,Mariaccristina, ay makikita mo sa isang bahay lang ang pangarap mo pero dalawa o higit pa ang bahay na  ibibigay sa’yo ng iyong kapalaran. Kaya, kung ang gusto mo ay isang milyong piso, ikaw na ang humula sa sarili mo, ilan kaya ang mapapasaiyo?

Ano ang hula mo o sagot mo?  Kung hindi ka pa makasagot dahil na namamangha ka at hindi makapaniwala, ako na muna ang sasagot at ang sagot ay milyung –milyong piso. Ang  simpleng ibig sabihin lang ay ikaw,Mariacristina, ay sa pag-aabroad yayaman.

Ang mister mo na ang  zodiac sign ay Pisces, ang ruling planets ay Neptune at Jupiter ay nagsasabing   gusto rin niyang mag-abroad dahil sa Neptune  kaya lang maganda ang  kanyang  kapalaran  kahit nasaan sya  dahil ang  isa pang planet na si Jupiter ay nagsasabing siya ay mabubuhay sa kasaganahan.

3 COMMENTS

  1. Thank you very much sir npkganda nmn po ng hinaharap nmn naway sumaakin po ang tagumpay more power po god bless..!!;)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here