ASTROLOGY PAHULA 30: Mga payo na dapat tandaan

0
285
ASTROLOGY PAHULA 30: Mga payo na dapat tandaan
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Astrology Pahula 30 para kay Zajj Uinoaq.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

        July 28, 1978 po ang birthday ko.

                                        Zajj Uinoaq

Sayo Zajj Uinoaq,

Narito ang  Astrology Pahula para sa’yo:

1)     Ang Astrological planet na The Sun ay nasa sa’yong kapalaran.

2)     Ang iyong zodiac sign na Leo ay The Sun ang Ruling Planet.

3)     Ang date of your birth na ika-28 ay The Sun din ang  naghahari.

4)     Kaya dalawa ang The Sun sa’yong kapalaran.

5)     Ang nag-iisang The Sun na  siyang  nagbibigay ng enerhiya sa ating mundo ay  sobra na sa sapat para tayo ay mabuhay dito sa Earth.

6)      Ang sikat ng Haring Araw ay sobra sa sapat para sa pangangailangan ng tao.

7)      Kaya , dahil dalawa ang The Sun sa iyong kapalaran , nag-uumapaw ang enerhiya mo sa katawan.

8)     At  ang iyong kasikatan ay sobra-sobra para ka kainggitan ng maraming tao.

     Ang payo para sa’yo mula sa’yong Astrology Readings ay nagsasabing inagatan mong lumabis ang tiwala mo sa’yong  sarili at iwasan mo rin na ang sobrang dami ng mga kaibigan na  magiging pabigat lang sa buhay mo.

 

Sayo  Macel Cabamongan Bodino,

       Sept.21,1982:  Ayon ang iyong Astrology Pahula, hindi pwede sa’yo ang mababa ang ranggo. Hindi ka isinilang para maging under dog. Ang totoo, ikaw ay pinanganak para mamuno at mamahala.

       Ang Astrological Advice sa’yo ay mahalin mo at igalang din ang iyong  mga pamumuan.

       Isabuhay mo rin ang  pagkakakita na ikaw ay  isang huwaran sa iyong mga  magiging  tauhan,kumbaga, dapat na makita nila na ikaw ay  nabubuhay ng ayon sa  magandang asal at matuwid  at  nasa panig lagi ng kabutihan.

        Ang ilang kahinaan at  pagkukulang ng mga tao ay iyo ring pagbibigyan dahil ikaw din naman ay may mga kahinaan at ilang pagkukulang.

 

Sayo Eikcaj Maigting,

          November 25, 1985:  Ang mga pangarap mo ay matutupad na lahat kapag ikaw ay  umalis sa’yong lupang sinilangan at nagpunta sa malalayong lugar.

        Magkaganunman, ang advice sa’yo ay  huwag na huwag mong kakalimutan ang mga taong nakatulong sa’yo kahit sa maliliit na paraan .

        Kahit na sobrang masuwerte ka sa malayong lugar huwag mo rin lubusang  kalimutan kung saan ka nanggaling.

         Kahit saan ka mapunta ang  pag-ibig sa kapwa ay dapat na mamalagi sa’yong puso dahil ang pag-ibig ang  tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa tao at hindi ang mga materyal na mga bagay.

        Ibig sabihin, aanhin ng tao ang lahat ng yaman sa mundo kung ang kanyang puso ay walang pag-ibig .

Kung nais mo ring malaman ang iyong Astrology Pahula, magpadala ka na ng message kay Sir Govinda Jeremaya.

Dream Interpretations dito

Palmistry dito

Astrology dito

Horoscope dito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here