ASTROLOGY –PAHULA 2: Ikaw ay pinamanahan ng Diyosa ng Kagandahan

Bigyang daan natin sa ngayon ang   reqeust ni Ms. Libra06 

 

Dear Sir Govinda,

     October 6, 1996 po ang birthday ko. Maganda o  pangit ba ang kapalaran ko ?

                 Janna

 

Sayo Janna,

        Ang iyong zodiac sign na Libra ay si Venus ang Ruling Planet. Ipinababatid sayo na si Venus ay kasingkahulugan ng salitang ganda or maganda. Ito ay dahil si Venus ang The Goddess Of Beauty. 

Dahil dito,  hindi na nating  ipagdidiinan pa na ikaw, Janna,ay talagang maganda.  Ang  ating pag-usapan ay bakit nga ba talagang maganda ka? Ang sagot ay nagsasabing ang mga isinilang sa zodiac sign na Libra ay tinatawag ding “Mga Anak Ni Venus.” At dahil nga sa ikaw ay kabilang sa mga anak ni Venus, pinamanahan ka ng Diyosa ng Kagandahan ng kung ano ang mayroon siya at ito nga ay ang pagiging maganda.        

Pero, hanggang sa hitsura lang ba ang ganda mo? Hindi, ah!  Dahil sa kilos, sa galaw, sa pananalita at sayong personalidad ay kakikitaan ka ng kagandahan. Bukod pa sa mga iyan, may maganda pa ba sayo? 

Oo, Janna, mayroon pang maganda sayo at ito ay ang iyong kapalaran, ibig sabihin, maganda ang iyong kapalaran, ganun kasimple, Janna, kumbaga , hindi na nangangailangan pa ng maraming paliwanag. 

       Pero gusto mo, naririto ang ilang pang katotohanan tungkol; sa bakit ba maganda ang iyong kapalaran? 

        Simula pa lang sa unang araw ng ikaw ay isilang maganda na ang iyong naging kalagayan at habang ikaw ay lumalaki paganda ng papaganda ang iyong kapalaran. At  sa pagkalaki mo natuto kang magpasya  at dahil may tinatawag na free will ang tao, nakakapagpasya ka ng hindi maganda para sayo. Kaya minsan, ang free will, wala namang kwenta dahil sa free will ang tao ay nalilihis ng landas. 

     Lalo na kung ang free will ay gagamitin sa lovelife, ang tao  ay napapahamak at nakakaranas na kabiguan,sa totoo lang, ay sobrang masaklap. Kaya ang maaaring itanong mo, paano naging maganda ang kapalaran mo, eh, makakaranas ka rin pala ng  kabiguan?

 

       Nagkakamali ang tao at ang kanyang pagkakamali ay dahil sa siya tulad ng nasabi na ay nakapagpasya ng hindi tama. Pero para sa mga “Anak ni Venus”,  mamali  man sila ay  kusang kikilos ang kanilang kapalaran at pagagandahin muli ang kanilang buhay. 

Ibig sabihin, hindi pwedeng hindi matupad ang salita ng “Hula”  na ang mga nasa Libra ay may kapalarang maganda. Kaya, sa ayaw mo man o sa gusto  o maging matigas ang iyong ulo sa huli ay iiral at maghahari sayo ang  kapangyarihan ni Venus. 

Dahil ito, mismo, Janna . ang  ibig sabihin ng salitang “Ruling Planet.” Na ang “ruling” ay mula sa salitang “rule” na ang ibig sabihin, tulad ng nasabi na matigas man ang ulo o kalooban ang maghahari sa buhay mo at sa huli ay si Venus na muli bilang pagbibigay diin ay ang Diyosa ng Kagandahan.”

1 COMMENT

  1. sir pngatlong beses q n po ito phula po aq at sna po m featured npo,,,,august10 1979 po brthday q ano po mgging kpalaran q at tungkol nman po s lovelife q hwlay npo aq s asawa at me bf po aq nov10 1978 po x ttnong ko po qng mahal p b nia ako kc po sobrang mhal q po x at mgging kmi po b mgkkatuluyan o hndi kc me dti npo x gf at ldr po cla ,,,,nguguluhan npo aq s relaxon nmin qng skli ndi po mging kmi ano po dpt qng gwin sna po mtulungan nio po aq,,,,marmi pong salmat at sna makamit q po ang ksagutan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here