ASO, INDICATOR NG PAPARATING NA SUWERTE AT KAMALASAN SA IYONG BUHAY

197

Itinuturing na man’s best friend ang mga aso. Ang mga aso ay bahagi na ng pang-araw araw nating pamumuhay, lalo na sa mga passionate dog lovers.

        Ang mga aso ay nagsisilbi ring tagapaghatid ng babala ng paparating na kamalasan o suwerte.

Ayon sa paniniwala ng Native American tribes, masuwerteng makasalubong ng tatlong puting aso.

        Kung pinaniniwalaang malas ang pag-alulong ng aso kapag may ipinapanganak na sanggol, masuwerte naman kung dinilaan ng aso sa mukha ang bagong silang na sanggol. Sinasabing magiging malusog ang sanggol at kung magkakasugat man ay mabilis itong maghihilom.

        Sa ilang bahagi ng southeastern United States, pinaniniwalaan na darating ang masaganang ulan para sa mga pananim sa sandaling makita ang isang aso na kumakain ng sariwang damo.

Ang ilang breed ng aso ay nakaugnay rin sa suwerte at magandang kapalaran. Ang mga Poodles and Dalmatians ay itinuturing na lucky dogs, lalo na kung makita silang kinakalmot ang sahig kapag ikaw ay aalis ng bahay.

        Sa ibang mga bansa, ang kulay ng mga aso ay tanda ng magical properties na kanilang taglay. Ang malagintong balahibo ng aso ay katumbas ng kayamanan. Ang white pooch ay para sa romance. Ang itim na aso ay simbolo ng proteksiyon at masaganang tahanan

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 18, 2020
Next articleChinese Horoscope; Enero 18
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here