Kasal, Kasali, Kasalo: 10 Signs na Ready ka na Ikasal

Matagal na kayo ng boyfriend mo at ramdam mo na talagang siya ang “the one”. Hindi perpekto ang relasyon ninyo pero alam mong kahit ano ay malalampasan ninyo basta’t magkasama kayo. Sa hirap at ginhawa, siya na nga siguro.

Maraming mga tao ang hindi alam kung ready na sila ikasal dahil minsan marami din silang iniisip na ibang bagay katulad ng career growth, stability at maturity ng relationship nila. Kung isa ka sa naguguluhan, basahin lamang ang 10 signs na i-eenumerate ko para maliwanagan ka. 

1. Mature na ang relationship ninyo

Hindi na kayo nag-aaway sa maliliit na bagay. Hindi kayo nagpapatalo sa selos o mga simpleng bagay katulad nang hindi pagrereply agad sa mga text messages. Malawak kasi ang puso at isip ninyo sa mga bagay at maraming mas importanteng bagay sa relasyon ninyo kaysa sa maliliit na bagay. Hindi mo siya inaaway sa maliliit na bagay at nandyan ka lagi para saluhin siya sa mga pagkukulang niya. 

2. Alam mong hindi kayo perpekto

Tanggap mo na marami kayong pagdadaanan sa buhay, pero okay lang dahil you got each others back. Sa mga panahon na marami kayong problema, mas lalong matatag ang relasyon ninyo at hindi kayo nagpapa-apekto sa unos ng buhay. 

3. Inaamin ninyo ang pagkakamali ninyo

Kapag nagkamali kayo, handa kayong itama ito at maghingi ng sorry sa partner ninyo. Alam ninyo kasi na ang mga problemang tinutulugan ay lumalaki lamang. 

4. Faithful kayo sa isa’t isa at sa Diyos

Si Hesus ang sentro nang relasyon ninyo at hindi ang constant need ninyo for affection. Alam ninyo sa tagal na nang relasyon ninyo, mawawala na ang kilig, pero handa kayong harapin ito sa pamamagitan ng pagiging faithful sa isa’t isa. 

5. Financially stable kayo

Hindi kayo nagsasayang nang pera sa mga weekly dates at nag-iipon kayo para sa future ninyo. Hindi kayo nagtatampuhan kapag hindi kayo nakakanood ng sine dahil mas importante sa inyo ang makaipon at makapaghanda. 

6. Siya ang encouragement mo

Sa mga panahon na problemado ka sa trabaho, siya ang tinatakbuhan mo dahil alam mong siya ang nakakaintindi sayo.

 7. Hindi ninyo problema ang communication

Napakadali para sa inyong dalawa na i-express ang nararamdaman ninyo sa isa’t isa dahil sobrang halaga ang communication sa pagitan ninyo. Hindi ninyo dinadamay ang ibang tao sa mga problema ninyo at may privacy ang mga problema ninyo sa relasyon. 

8. Bestfriends kayo

Magkaibigan kayo mula sa simula. Nagkaroon man kayo ng mga problema noon, wala nang makakapag-hiwalay sa inyo dahil ganyan kayo katatag para sa isa’t isa. 

9. Sinusuportahan niyo ang bawat isa

Sa anumang pagdaanan ninyo, sinusuportahan ninyo ang bawat isa at binibigyan ng affirmation. Hindi man perpekto ang mundong ginagalawan ninyo pero nandyan kayo para palakasin ang isa’t isa. 

10. Mayroon kayong respeto sa isa’t isa

Hindi nawawala ang respeto ninyo sa bawat isa. Hindi kayo nagsisigawan at nagmumurahan kapag nagkakainitan kayo ng ulo. Sa mga simpleng away, gagawin ninyo ang lahat para maayos at walang maging bastusan.

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleKapangyarihan: Pitong hiwaga ng buhay
Next articlePahula 117: Ang negosyong swak para sa Scorpio
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here