Ariel Rivera, Buking Na

0
435
Ariel Rivera, Buking Na

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang ina para maprotektahan ang kanyang anak? Para sa isang mabuting ina, isa lang ang sagot, lahat. As in, lahat ay kayang isakripisyo. Iyan mismo ang gustong patunayan nina Sonya (Sylvia Sanchez) at Jean (Teresa Loyzaga) sa episode ngayong Biyernes. Nagkasundo sila laban kay Jacob (Ariel Rivera) at ito ay upang protektahan ang kani-kanilang mga anak. Dahil alam na ni Jean ang totoong kulay ni Jacob, naging madamdamin ang pag-uusap nila ni Sonya. Naging madamdamin rin ang pagtatalo nila ng anak na si Anna (Sue Ramirez). Hindi nagpapigil si Jean kahit pa namagitan si Yaya Letty (Ces Quesada) kinampihan pa rin niya si Jacob para hindi ito makahalata. Lihim iyong ikinatuwa ni Jacob.

Kabado ang lahat sa pag-aalalang makakatakas si Jacob sa kanyang mga kasalanan. Lalo na nang mabago ang oras ng flight nito na napaaga pa. Kaya, aligaga sina Paco (Arjo Atayde) at iba pang abogado kung paano nila mapipigilan sa pag-alis si Jacob kasama si Jean para tumakas gayong hindi pa nila hawak ang warrant of arrest para rito. Lalo pang nadagdagan ang pag-aalala nila nang maipit sila sa traffic. Lahat ay nag-iisip kung paano sila aabot. Dahil sa kabang nakarehistro sa mga mukha ng magagaling na bida kaya siguradong kabado rin ang mga manonood nito. Maganda ang tema ng teleseryeng ito na pinagbibidahan ng mag-ina sa tunay na buhay na si Sylvia at Arjo. Hindi maitatangging kuhang-kuha ni Arjo ang galing ng ina sa pag-arte kahit sa facial expression pa lang. Siguradong malaki ang naitutulong ni Sylvia sa pag-arte ng anak dahil sa mga tips na naibabahagi niya para dito.

Sa umpisa pa lang ay maganda na ang itinakbo ng bawat episode at karamihan ay nakakakaba. Sana lang ay hindi muna ipinakita sa mga manonood ang nakakulong na Jacob para mas maging kaabang-abang ang susunod na eksena na mapapanood sa lunes. Dahil dito, inaabangan pa ang panibagong yugto na muling magpapaantig sa ating mga damdamin na mga sumusubaybay sa panghapong drama na ito na napapanood sa ABS-CBN na pinamagatang Hanggang Saan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here