Apatnapung Araw nang Namatay

Ang mga mahal natin sa buhay ay hindi agad tayo iniiwan kahit na wala na ang pisikal nilang katawan sa mundong ito dahil mayroon pa silang  apatnapung araw para gumala sa mundong ito. May nagpoprotekta sa kanilang mahal ngunit kung nakaranas sila ng galit sa kanilang kamatayan ay malaki rin ang posibilidad na bumalik sila at maghiganti.

Kung ikaw ay nakagawa ng krimen sa kapwa mo Kung halimbawang pinatay mo ang isang tao, huwag mong asahan na makaliligtas ka sa kasamaang iyong ginawa. Maaari ngang hindi ka makulong dahil walang ebidensiyang magtuturo sa’yo pero palagi ka namang makokonsensiya. Kung wala kang konsensiya sa’yong palagay ay siguradong hindi ka tatantanan ng taong ginawan mo ng masama.

Alalahanin mo, ang kaluluwang labis-labis ang galit na nararamdaman ay gagawin ang lahat para mapagbayaran mo ang kaapihang ginawa mo sa kanya. Hindi ka man niya magagawang saktan ay maaari siyang magpakita at magparamdam sa’yo. Maaari ka niyang dalawin sa’yong panaginip hanggang sa bangungutin ka.

Kaya, kung ayaw mo rin naman na magbayad sa kasalanan na ginawa mo ay huwag kang gagawa ng masama sa’yong kawa. Mas maiging pag-isipan mo muna ang mga bagay na gagawin mo bago ka magpatangay sa emosyon dahil hindi lang naman ikaw ang magiging kawawa, pati na rin ang pamilya ng pinatay mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here