Apat na Uri ng Pakikipagdate

0
87

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Kapag ang isang lalaki ay interesado sa isang babae, inaaya niya ito na makipag-date. Kapag pumayag ang babae ibig sabihin ay may chance ang kanilang romance. Sa ganitong paraan ay kinikilala nila ng mabuti ang isa’t-isa. Dito nagkakaroon sila ng pagkakataon na magkakuwentuhan ng matagal at malaman ang kani-kanilang interes. Tulad ng pakikipagrelasyon, ang dating ay may mga uri rin at narito ang apat na uri ng pakikipagdate.

1.Casual Dating. Ang kaswal na pakikipagdate, ito yung nakikipagdate ka sa iba’t-ibang uri ng tao.Hindi ka interesado na magstick sa isa. Ibig sabihin ay may laya ka. May laya ka na sumama sa kahit na kanino at walang magbabawal sa’yo. Kahit pa sa naghahanap ng seryosong relasyon o sa naghahanap lang ng sexual partner ka makipagdate ay walang kaso sa’yo.

2.Blind Dating. Ito yung nagde-date ang dalawang tao na hindi magkakilala. Isang set up date by their friends, or family or co-workers. Sinet-up sila sa isang date dahil inaakala nila na bagay sila. Ang mga pumapasok sa isang blind date ay open magsabi ng kanilang gusto para may idea ang kanilang ka-blind date at hindi ito maging totally blind sa kanilang date.

3.Online Dating. Ito na yung pinakausong date ngayon. Sa pamamagitan na lamang ng internet. Dito kinikilala ng dalawang tao ang isa’t-isa. Para sa mga pumapasok sa ganitong uri ng pakikipagdate ito ay mas safe kaysa sa blind dating at casual dating. Kapag nagkapalagayan na sila ng loob sa pagpapalitan ng chat, email at photos , dito na papasok ang chance ng meet up nila in person.

4.Serious Dating. Ang serious dating ay ginagawa lamang ng mga tao na exclusive ng nagde-date. Yung tipong seryosohan na at pangmatagalan. Sila yung ready na sa commitment. Nandoon na ang pagkakaunawaan na hindi na sila maaaring makipag-date sa iba kundi sa isa’t-isa na lamang. Ang ganitong uri ng pakikiagdate ay kadalasang nauuwi sa kasalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here