APAT NA INSEKTONG MAY HATID NA SUWERTE

0
1622

Kapag sinabing insekto, iniisip agad natin na ito ay perwisyo at dapat nating alisin sa ating paligid. Pero bukod sa mga natural na tulong na nagagawa nito sa ating kalikasan ay sinasabi rin sa pamahiin na merong mga insektong nakapagbibigay sa atin ng suwerte. Narito ang apat na insektong maaaring iyong kinatatakutan subalit may magandang pahiwatig pala sa’yo.

1.BUBUYOG

Maraming pamahiin ang naiuugnay sa bubuyog at karamihan dito ay may suwerteng hatid. Kapag ang bubuyog ay dumapo sa iyong ulo, ito ay nangangahulugan na ikaw ay magiging successful sa buhay. Anuman ang pinakamimithi mo ngayon ay magkakaroon ng katuparan sa lalong madaling panahon. Kapag naman ang bubuyog ay dumapo sa bibig ng isang sanggol, paglaki nito, siya ay magiging isang poet.

2.GAGAMBA

Marami sa atin ang takot sa gagamba, isa na’ko do’n. Pero may hatid pala itong suwerte. Ang Linyphiidae na pamilya ng maliliit na gagamba ay kilala bilang money spiders at kung makakita ka ng isa nito ay sinasabing susuwertehin ka sa pera. Kapag naman may isa nito na dumaan sa iyong palad ay magkakaroon ka ng pera asap.

3.PARUPARO

Isa rin sa mga naghahatid ng suwerte ang paruparo. Ito ay naiuugnay din sa suwerte dahil sa prosesong pinagdaraanan nito bago maging isang ganap na paruparo. Sa pagpasok ng bagong taon kapag nakakita ka ng paruparo na kulay puti, ito ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa taong ito. Suwerte rin ang pagdapo ng paruparo sa iyong balikat. Ito ay indikasyon na hindi ka dapat sumuko.

4.SUSO

Sa Britanya, pinaniniwalaan naman na ang suso ay may kakayahan na makapagpagaling ng maysakit. Kapag may nagkasakit sa kanila, sila ay pupunta sa isang chapel kung saan makakakuha sila ng mga suso mula sa dingding ng chapel at saka nila ito gagawing palawit ng kuwintas na siyang ipasusuot nila sa maysakit. Kapag gumaling na ang pasyente, ang mga suso ay kanyang ibabalik sa chapel upang ang mga ito ay ibaon doon bilang pasasalamat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here