ANO’NG KLASENG LOVER KA, ALAMIN AYON SA POSISYON SA PAGTULOG

0
136
Fetal Position

 Dalawa ang klase ng ating buhay: ang isa ay sa ating panaginip at ang isa naman ay sa totoong buhay. Hindi ito tungkol sa ating mga  mala-panaginip na pag-iisip nating ginagawa  habang tayo’y gising, bagkus ay ang walong oras na ating ginugugol na tayo’y walang malay at ini-explore ang ibang mundo- at namumuhay sa ibang buhay.

Malaking bahagi ng ating araw ay ginugugol natin sa pagtulog (iyon ay kung sapat ang iyong tulog). Iyon ay malaking bahagi ng iyong buhay.

Kaya may kabuluhan kung bakit maraming tao ang gumugugol nang mahabang oras sa pag-aaral ng mga patterns at habits ng ating iskedyul ng pagtulog at mga istilo. Kung paano ka matulog ay nagsasabi kung sino ka habang ikaw ay gising.

Hindi tulad ng maraming bagay na umaalis sa sandaling matulog tayo, ang ating mga relasyon ay hindi ganoon. Ang ating mga kapareha ay katabi natin matulog, at kung hindi naman sila makatatabi sa atin, lagi silang nasa ating mga isipan, nasa paligid lamang ng ating kamalayan.

Kaya ano kaya ang sinasabi ng paraan ng iyong pagtulog sa pakikitungo mo sa kanila? Ano kayang sinasabi ng iyong paraan ng pagtulog hinggil sa kung paano ka bilang isang mangingibig? Ikaw ba ay bukas na tao? Ikaw ba ay inuuna ang seguridad?

Ang paraan ng iyong pagkilos habang gising at kung ano ang ginagawa mo habang tulog ay dalawang magkaibang bagay.

Sa araw, makokontrol natin kung anong klase ng tao ang nais nating maging, ang mga mensahe na nais nating iparating at kung paanong paraan ito nais nating tanggapin.

Gayunpaman, kapag tulog na, nakukuha natin ang tunay na indikasyon n gating mga tunay na motibo at kung anong klase ng mangingibig tayo.

Narito ang ilan sa mga posisyon sa pagtulog na binalangkas upang mas maintindihan natin ang ating mga sarili at kung anong klase tayong mangingibig.

Fetal Position: Matapang kung umakto, pero sa totoo ay nais na siya’y inaalagaan

Ito ay pangkaraniwang posisyon at isang pagkaraniwang pag-uugali sa mga taong pumapasok sa isang bagong relasyon. Ang mga natutulog sa ganitong paraan ay sinasabing matigas sa panlabas, subalit malambot sa panloob.

Kung ikaw ito, marahil ay matagal bago ka maging close sa isang tao at gayundin ang pagsasabi mo na mahal mo siya. Hindi dahil sa totoo ang iyong nararamdaman, subalit hindi ka madaling sumunod sa ganitong damdamin.

Matagal bago ka maging kumportable at buksan ang sarili, subalit kapag narating na ito, ang iyong relasyon ay puno ng pagmamahal at pagtitiwala.


Log: Magpagtiwalang tao na nahuhulog sa mga maling tao

Ang posisyon ng pagtulog na ang iyong mga kamay ay paraller sa iyong torso o dibdib, at ang mga hita ay isang serial dater, isang tao na ang hanap ay relasyon para sa mga panlipunang benepisyo nito na higit pa sa ibang bagay.

Nais nila ang lumabas, makisalamuha sa mga tao at may tendensiyang magustuhan ang mga madulas magsalita at mga manloloko. Mababait silang tao subalit madali silang maloko ng mga salbahe at mapagsamantalang tao.


The Yearner: Walang tiwala sa mga taong malapit sa iyo

Ang posisyon ito ay ang pagtulog sa iyong tagiliran na ang parehong kamay ay nasa harapan. Ito at isang mapaghinalang posisyon para sa mga taong sadyang suspitsyoso.

Nasaktan ka na dati ay may negatibong pananaw sa karamihan ng relasyon.

Maging sa sariling relasyon, wala kang tiwala at madalas na naghahanap ng anumang bagay bago pa man siya matuklasan.

Nakikita mo ang mundo at iyong relasyon bilang bagay na sa huli ay magtatapos.


The Starfish: Nais magbigay ng higit sa pagmamahal na natatanggap

Posisyon na kaugnay ng pagtulong sa iyong likod at ang parehong kamay ay nakataas sa unan. Ito ang mga easygoing at palakaibigan na mangingibig.

Nakalutong sila mula sa isang relasyon at isa pa, umaalis nang hindi nasasaktan, subalit kailanman ay hindi umaalis na permanenteng nasira ang pagkatao.

Sila ay tapat at nais lamang na matagpuan ang tunay na pag-ibig. Hindi sila sumusuko sa mga walang bagay na detalye at mga maliliit na pagkakamali. Sila ay tapat at nais lamang na matagpuan ang tunay na pag-ibig. Hindi sila sumusuko sa mga walang bagay na detalye at mga maliliit na pagkakamali.

The Thinker: Laging tinatanong ang sariling relasyon

Ang posisyong ito ng pagtulong ay binibigyang kahulugan ng kamaong nagpapahinga sa ilalim ng iyong baba.

Ang mga taong ito ay normal na binibigyang kahulugan na may kaugnayan sa fetal position, may matigas na panlabas at malambot na panloob.

Ang panlabas ay nag-iisip, subalit marami ding katanungan. Lagi nilang inaanalisa at tinatanong ang mga taong nakapaligid sa kanila, habang sinisigurado na hindi nila ipagkakaloob ng kanilang puso sa isang taong sasaktan lamang ito.


The Free Faller: Hindi ipinaglalaban ang iyong relasyon dahil hindi iniisip na dapat itong gawin

Ang mga taong ito ay gusto na mahinga nang nakataob habang ang kanilang mga kamay ay nakayakap sa unan. Sila ay sadyang mahiyain at iwas sa komprontasyon.

Sa mahihirap na sitwayon, may tendensiya silang tumalikod at umalis kaysa manatili at lumaban. Mahina sila sa mga mahihirap na sitwasyon at dahil dito, nahihirapan silang magpanatili ng relasyon.

Hindi ito sa dahilang sila ay mahina, ito ay dahil sa ayaw nila sa relasyong puno ng pag-aaway.


The Pillow Hugger: Masaya na nagmamahal, at ang mga tao ay nais na mahalin ka

Ang posisyong ito ay madaling ipaliwanag at gayundin ang taong ganito ang klase ng pagtulog. Sila ay romantiko at mangingibig, pinahahalagahan nila ang bawat relasyon sa kanilang buhay at nais lamang na maging malapit sa tao.

Lagi silang naghahanap ng pag-ibig, gayunman, hindi nila ito hinahayaang kapitan ang kanilang mga personal na relasyong kanilang pinahahalagahan mula sa mga sinasabing romantikong relasyon.

Sila ay mapag-aruga at mapagmahal at laging handang iyakap ang kanilang mga kamay sa iyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here