Anong Gawin Mo Para Sa Mga Mahihirap Na Batang Pilipino?

606

Naging mahirap man tapusin ang iba’t ibang proyekto na hinawakan ko, nakuha ko pa ring bumisita sa daycare center. Sinalubong ako ng mga bata, kitang-kita sa mga mukha nila ang kasiyahan. Pagod man ako sa paglakad, nagawa pa rin nila akong pangitiin habang nakikipagkwentuhan sa kanila.

Nang nakausap ko ang kanilang guro, naikuwento niyang muli ang huli naming napag-usapan. Umaasa pa rin ako na matutulungan sila ng gobyerno, kahit wala pa ring pagbabago. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa mga pangako, pero umaasa pa rin ako sa mga pwedeng mangyari, lalo’t na sa bagong pamunuan na puno ng pangako.

Nang huli kaming mag-usap, panatag ang aking loob na mabigyan sila ng tulong, lalo’t na sa mga pagkain ng mga batang nag-aaral, o kahit konting allowance man lang. Ayon sa kanilang guro, wala pa rin daw balita tungkol sa pagbibigay sustento para sa mga pagkain ng mga bata kaya’t tuloy pa rin ang kanilang kawanggawa sa paglaan ng kanilang mga suweldo para sa pagkain at gatas ng kanilang mga estudyante.

Nang pauwi na ako, niyaya ako ni Charlene na dumalo sa kanyang kaarawan  dahil naglaan ang kanyang ina ng maliit na salu-salo para sa kanya at sa kanyang mga kaklase. Nakausap ko ang kanyang ina, si Anabelle, at dito ko nalaman na siya ay isang single mother.

Nabuntis si Anabelle nang nagtatrabaho siyang GRO sa isang bar. 19-years-old pa lamang siya noon. Hindi niya na nakilala ang ama ni Charlene. Mahirap man ang buhay, pinili pa riin niyang buhayin ang kanyang anak ng mag isa.

Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang saleslady sa isang mall sa Bacolod. Hindi man kalakihan ang sweldo, pero maipagmamalaki nito na disenteng trabaho ang pagiging saleslady. Hirap man sa buhay, gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Hindi sumusuko si Anabelle. Heto nga at nakuha  pa niyang mabigyan ng simpleng birthday party si Charlene.

Isa lamang Si Anabelle sa milyun-milyong single mothers na nagpapakahirap  matustusan ang pangagailangan ng kanyang anak. Hindi man madali ang buhay para sa kanya, pero nakuha pa rin ng mag-ina na maging masaya at makontento sa kung anuman ang meron sila.

Ang tulong ng gobyerno ay masyadong minimal, at hindi ito sapat na tustusan ang mga pangangailangan ng mga batang nabubuhay sa kahirapan. Noong 2016, may nakalaan ng budget para sa mga estydyante, upang labanan ang malnutrisyon sa bansa.

Inaporbahan na ng senado na taasan ang halaga sa isang bilyon para sa pagkain ng mga bata. Ipinaubaya ito sa Department of Social Welfare and Development. Ang halaga ay tinaasan sa 4.43 bilyon sa 2017. Ang budget na ito ay makakapakain sa 1.74 milyon na bata sa loob ng 120 na araw.

Ilang beses nang pinangakuan ng gobyerno ang mga LGU na nais nilang matustusan ang pangangailangan ng mga mag- aaral tila na uuwi pa rin ito sa pagkabigo. Hanggang sa araw na ito, karamihan sa mga single parents ay nagpapakahirap sa 2-3 katrabaho o napipilitang mag hanapbuhay sa ibang bansa.

Hinahangaan ng karamihan ang pagkamatapang at pagka matatag ng mga single mother. Iba man ang pananaw ng karamihan sa kanila, pero sila ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipinong nagpapakahirap upang matulungan ang kani-kanilang pamilya.

Ngayong Oktubre gagawan ng PhilippineOne ng paraan ang mga daycare center, kung saan unti-unting ibibigay ang pangagailangan ng mga  mag-aaral sa isang daycare sa Bacolod City.

Hinihikayat namin ang aming mga mambabasa na tumulong at ipagkalat ang aming pakay. Hindi man pinansyal, pero ang magbahagi ng aming misyon na maibsan ang malnutirsyon sa Pilipinas. Nais man naming mabigyan ng pangkabuhayan ang bawat Pilipino upang hindi na lamang umasa sa gobyerno upang makakain.

Bilang Pilipino, walang pagbabagong mangyayari kung tayo mismo ay hindi makukuhang magtulungan. Sa hirap ng kapanahunan ngayon, lalong kailangang isulong ang bayanihan upang maiayos ang bansa at maibsan ang gutom.

Bilang mambabasang Pilipino, ano ang pwede mong gawin upang makatulong sa’yong mga kababayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here