Anong dapat gawin kapag nahuli mo ang iyong karelasyon na may Iba

1. MANATILING KALMADO AT MANGALAP NG IMPORMASYON

Hindi na mahalaga kung gaaano ka man kainis nung una mong marinig ang balita, mahalagang kolektahin mo ang maraming impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari sa pagitan ng iyong kapareha at ng ibang taong ito. Ito ba ay isang beses lang nangyari? Kung hindi, gaano na sila katagal nagkikita at gaano sila kadalas mag-kita? May komunikasyon parin pa sila sa isa’t isa?

2. HUMANAP NG PAGSASANDALAN

Ito na ang oras upang ikaw ay suportahan ng kapamilya o kaibigan. Ang pag-iisa ay maaari ka lang nitong ilagay sa hindi magandang lugar at ipapadama sa iyo na parang dahan-dahan kang nahuhulog sa isang malalim, madilim na butas. Sa halip, tumawag ng kaibigan o kapamilya na maaaring kang sunduin kung asan ka man.

3. HAYAAN PUMATAK ANG LUHA

Madalas natin iniisip na ang pag-iyak ay senyales ng pagiging mahina at palagi natin itong iniiwasan hangga’t maaari, pero maniwala ka man o hinde, ang pag-iyak ay pang-pa-ginhawa. Hindi lang luha ang nilalabas natin, pati na rin ang mga tensyon, at madalas pagsisi sa sarili, na nakakatulong satin na ma-realize ang tama at makatotohanan na pananaw.

4. Habbang hindi mo pa ito nararamdaman ngayon, at habbang ang iyong kapareha ay sinusubukan isisi sa’yo lahat ng kanyang kamalian, palagi mong tandaan na hindi mo ito kasalanan. Ito ay pinili nila. Hindi ito ang oras oara sisihin ang sarili.

Bako ka pumayag na ituloy ang relasyon, kailangan mong pag-isipan ang mga bagay. Bigyan mo ang iyong sarili ng space na wag magpatawad, at kung nararamdaman mo na na gusto mo na siyang patawarin, okay lang yan. Pero kung hindi okay lang naman yan. Walang rule na sinabi palagi ka dapat nagpapatawad. Sa ibang salita, wag kang manatili sa isang relasyon kung nakikita mo ang iyong sarili na palaging nasasaktan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here