Anong buhay mayroon sa inyong lugar, Tondo?

3
2085

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Kapag sinabi mong ikaw ay nakatira sa Tondo, ang agad na iisipin ng tao sa’yo ay naninirahan ka sa squatter’s.

Well, hindi kataka-taka kung bakit ganoon ang tingin ng nakararami dahil talaga namang kapag nagawi ka sa Tondo, Manila partikular na sa parteng Gagalangin, tiyak na makakaramdam ka ng pananakit ng ulo. Ang daming tao. Ang gulu-gulo. Bukod doon panay pa ang murahan at awayan. Kaunting problema, agad  pinalalaki. Kaya naman nauuwi ito palagi sa rambulan na maaari pang ikasawi ng isa. Ang mga tao kasi sa squatter’s area ay mayroong balisong.

Ang balisong daw kasi ang karaniwang sandata ng mga taga-Tondo para magawa nilang protektahan  ang kanilang buhay sa tiyak na kapahamakan. ‘Yon nga lang, kapag uminit ang kanilang ulo, hindi nila nakalilimutang gamitin sa kanilang kaaway ang kanilang balisong. Sa bawat pag-unday nila ng saksak sa kanilang kalaban, ang tanging nasa isip nila ay ang kanilang kaligtasan.

Ngunit, sadya nga ba talagang may mga tao na hindi marunong magpahalaga sa buhay ng iba?

Nakalulungkot isipin pero ‘mayroon’ ang sagot. Iyon ay dahil sa iba’t ibang dahilan. Impluwensiya ng mga taong kanilang nakakasama at ang uri ng pamumuhay na kanilang kinalakhan. Gayunman, mas matindi pa rin siyempre ang epekto ng pag-uugali ng isang tao sa klase ng pamilya mayroon siya.

Ang mga tao ay nangangailangan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang upang sila ay magabayan ng husto. Kaya nga lang, paano magagabayan ng tama ng magulang ang kanilang anak kung siya mismo ay hindi alam kung anong direksyon ng buhay ang kanyang tatahakin?

Ang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang anak ay pakainin, pag-aralin at mahalin ang mga ito. Ngunit, paano magagagawang ibigay ng mga magulang ang mga ito sa kanilang anak kung hindi lang iisa ang kanilang anak?

Karamihan sa mga taong pakiramdam ay patapon na ang kanilang buhay, ay hindi na inaalintana kung ano ba ang mangyayari sa kanyang  kinabukasan. Dahil nga mayroon na siyang asawa, ang goal na lang niya ay magpasarap nang magpasarap sa piling ng kanilang partner. Dahil nga ang mga taong naninirahan sa Tondo ay walang ginagawa kundi ‘magpasarap’ sa kanilang buhay, hindi nila namamalayan na nakakailang anak na pala sila.

Isa…dalawa…tatlo…hanggang sampu!

O-M-G!

Sa pagkakaroong ng mga magulang na ganoon karaming anak, anong klaseng buhay ang maibibigay nila sa kanilang supling. Ang sagot, miserableng buhay. Ang mga taong nakatira sa slum area ay yaong mga hindi nakapag-aral kaya naman, paano sila magkakaroong ng magandang trabaho? Siyempre, ang makukuha lang nila ay iyong mabababa rin tulad ng pagiging janitor, basurero, katulong at iba pa. Kahit naman sabihin natin na ang mga trabahong ito ay marangal, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para tayo ay matuwa ng lubos. Hindi kasi sapat ito para  maibigay sa sampung anak ang lahat ng kanilang pangangailangan. Baka nga, hindi mo pa sila magawang pakainin sa isang araw.

Sa pagsasaliksik, lumalabas na kaya mas dumarami ang mga  ang mga taong naninirahan sa Tondo ay dahil sa gawa nang gawa ang mga magulang ng bata. Salat naman sila sa kaalaman tungkol sa family planning. Kahit nga ayaw na nilang magkaanak pa, kung hindi naman gagamit ng proteksyon ang mga mag-asawa, siguradong lulobo rin ang tiyan ni misis.

Mga bata, kawawa naman kayo…

Ang mga bata sa Tondo ang lubos na nahihirapan dahil sa enjoy n enjoy ang kanilang mga magulang na paggawa ng kanilang kapatid, hindi na sila napapansin nina Nanay at Tatay. Pirmi kasing mainit ang ulo ng kanilang mga magulang kapag nilalapitan nila. Ang laging sinasabi ng mga ito, busy ako sa trabaho kaya tantanan mo ako. Huwag kang makulit.

Sa murang gulang ng mga bata, natanim sa puso’t isipan nila kung gaano sila itaboy ng kanilang mga magulang. Dahil doon, wala silang ibang nalalapitan kundi ang kanilang mga barkada. Pero, hindi naman lahat ng bata ay pare-pareho. Siyempre, may ilan diyan ang matatag. Bata pa lang ay pinili nang magtrabaho para makatulong sa kanilang mga magulang at may maipakain sa kanyang mga nakababatang kapatid Nagagawa nilang labanan ang kahirapan ng buhay kaya lang. karaniwan ay pumaparis sa kanilang mga magulang na tinatalikuran n rin ang ganda ng buhay.             Dahil nga nagawang isipin ng mga bata na hindi naman sila makuhang mahalin ng kanilang mga magulang, pinili na lang nilang maghanap ng ibang kaligayahan sa piling ng mga taong makakaintindi at magmamahal sa kanila. Ang iba naman ay pinipiling mag-isa ngunit mayroon silang napagbabalingan. Ang binibigyang tuon ng mga teenagers ay ang pagsusugal, pag-iinom ng alak at pagdodroga.

Sa aking paglalakbay, nakakakita ako ng mga nagra-rugby. Matanda, bata o teenagers. Walang pinipiling edad ang mga taong nakikita kong may hawak ng supot at sinisinghot-singhot iyon. Sa pamamagitan daw kasi ng pagra-rugby ay nagagawa mong kalimutan ang iyong problema. Hindi lang iyon, nawawala ang gana mo sa pagkain. O mas tamang sabihing, nagra-rugby para makalimutan ang gutom. ‘Yun nga lang sa bandang huli, ikaw pa rin ang talo. Sa pagra-rugby kasi ay unti-unti ring natutunaw ang iyong utak na maaaring maging dahilan ng iyong kamatayan.

Maaari ngang magtanong ka pa ng ‘so what’ pagkaraan.  Para naman kasi sa’yo, hindi mo kailanman mararanasan ang pumasok sa eskuwela, magkatrabaho at mamuhay ng marangya. KUngganoon, bakit mo pa gugustuhing mabuhay?

Ang mga bata ay talagang nakakaawa. Musmos pa lang sila pero hindi na nila nagagawang maranasan ang ginagawa ng mga ordinaryong bata. Iyon bang tipong walang pinoproblema kundi ang ulam, teacher at ang mga nakakatampuhang kalaro. NGunit, ang mga batang naninirahan sa Tondo ay pawang mga problemado. Ang dahilan, hindi nila gusto ang buhay na mayroon sila kaya ang nais nila ay tumakas. . Ngunit, mahirap takasan ang katotohanan.

Ang solusyon para sa mga batang Tondo

Kung hindi natin magagawang pigilan ang mga magulang sa paggawa ng mga bata, wala na tayong ibang magagawa pa kundi bumuntunghininga. Sa atin kasing isipan, hindi natin maiiwasang ‘di isipin na tuluyang mapapariwara ang kanilang buhay kay kailangan ay makaisip tayo ng magandang paran para sila ay matulungang hindi makaisip o gumawa ng msama.

Sabi nga, ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat lamang na tulungan natin sila sa abot ng ating makakaya.

Ngunit, paano?

Naririto ang ilang paraan para magkaroon ng maayos na buhay ang mga taong naninirahan sa slum area.

Una, libreng grocery. Sa mga  naghihikahos na pamilya, malaking tulong iyong mabibigyan sila ng grocery kahit minsan sa isang buwan pero mas maigi kung linggo-linggo. Sa pamamagitan noon ay magagawang ipaalam sa kanila na hindi pa rin sila nakakalimutan ng mga taong nakakaangt sa buhay.

Pangalawa, edukasyon. Napakahalaga ng pag-aaral sa ating buhay. Kaya, makabubuti kung ang lahat ng kabataan ay magagawang makapag-aral ng maayos. Makabubuti siyempre iyong mayroon silang makabuluhang pinagkakaabalahan.

Pangatlo, mapaglilibangaan.  ‘Yan ang problema ng mga tambay. Wala silang magawa sa kanilang buhay kaya naman pinipili na lang nilang gumawa ng kalokohan. Ang pambu-bully ang isa sa dahilan kung bakit mayroong napapahamak. Kaya, mas maigi siguro kung ga isang barangay ay magkakaroon ng mapaglilibangan ang mga tao tulad ng basketball, panggagantsilyo, pagpipinta at pag-aaral. Hay, napakadali namang mabigyan ng solusyon ang mga problemang nakahain dito kung magkakaroon lang ng sapat na budget ang mga lugar na miserable tulad ng Tondo, wala sanang problema.

Magagawa mo nang makatulong, magagawa mo pang sagipin ang buhay ng mga kabataan.

Oh, nakakasawa na kasi talagang pagmasdan ang mga taong sinisira ang kanilang buhay dahil lang sa kahirapan na kanilang pinagdaraanan.    So, plano mo bang makatulong?

Kungganoon, tulong na.

Written by Maria Angela Gonzales

Maria Angela Gonzales has lived in Tondo since birth but her family provided and gave her all the love she needed to secure a better future. She  dreams of becoming the next JK Rowling but for now for she enjoys writing romance novels, horror stories and articles.  

3 COMMENTS

  1. I’ve lived in Tondo since birth until I was in Grade 3, particularly in Ugbo, Velasquez. Gagalangin may be headache-inducing but the Aroma area/Tenement near R10 is heartbreaking. As much as people there were scary, they were also too pitiful to see. Especially the children’s condition.

  2. The children are the ones suffering because of the irresponsibility of the parents in planning their family. It’s high time that the government take a more focused and continuous approach in educating the parents regarding family planning. Lack of awareness is the root of this cycle of poverty. Thus, it should be ended.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here