Anong Buhay ang Mararanasan pa natin sa Susunod na araw?

Habang tumatagal ang pandemiya na kilala natin sa pangalang Covid 19 ay hindi natin mapigilan ang mas kabahan, hindi lang sa ating kaligtasan kundi sa ating kabuhayan. Dahil nga sa pandemya na ito ay marami ng negosyo ang nagsara kaya naman marami na ring tao ang nawalan ng pagkakakitaan kaya naman marami ng sumasakit ang ulo at dibdib sa pag-iisip at kaba kung saan na sila kukuha pa ng gagastusin nila sa susunod na araw.

KUng may ipon ang isang tao ay hindi pa siya gaanong mamumublema, kaso, gaano ba karami ang naipon niya para masabing sasapat iyon hanggang sa nasa ating bansa ang virus na ito. Alalahanin natin padami pa nang padami ang nauulat na tinatamaan ng coronavirus. To nga ang dahilan kaya nagta-timeout na muna ang mga frontliners natin. Nakakaramdam na rin kasi sila ng matinding pagod dahil sa limang buwan nilang pagtatrabaho.

Paano kung tuluyan na silang mapagod? At magpasyang iwanan na lamang nila ang kanilang trabaho. Bagamat alam kong may mga taong paninindigan hanggang sa huli ang serbisyong kanilang sinumpaan, hindi pa rin mawala sa puso’t isipan ko ang kanilang magiging pagsuko. Kung hindi man nila talikuran ang kanilang pagseserbisyo baka naman kaluluwa na nila ang tumakas sa kanilang katawan sanhi ng matinding pagod.

Alam kong hindi naman imposibleng mangyari iyon kahit pa sabihin na pursigido silang makapagligtas ng buhay. Alam naman kasi natin na kapag ang isang tao ay labis na napapagod ay bumababa ng husto ang kanilang resistensiya. At kapag mahina ang resistensiya ng isang tao ay madaling kapitan ng sakit. Kaya naman talagang nakakatakot ang maaaring mangyari sa atin sa mga susunod na araw. Gayunpaman, kailangan pa rin nating maging matatag para patuloy na lumaban

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here