Patay na sana ako.
Hindi ako nagbibiro, ang suwerte ko dahil nandito pa ako ngayon. Dalawa at kalahating taon na ngayon ang nakararaan ng magkasakit ako ng matindi ay mayroong virus na nakita sa aking puso. Isang oras makalipas na uminom ako ng gamot, nagwala ang puso ko. Biro mo, tumibok ito ng 255 beats per minute ng sumunod na dalawang araw.Nu’n namang magpunta ako sa ospital, ang baga ko ay malapit nang mapuno ng tubig kaya naman nasa bahay lamang ako noon at natulog. Maaari raw akong malunod. Siyempre, mangyayari lang iyon kung sumabog ang puso ko.
Pero hindi ako namatay kaya ang paglalakbay ko ay nagpatuloy hanggang sa naisipan kong itatag ang PhilippineOne at ang pinakaimportante, pagbibigay ng pagkakataon sa PhilippineOne team na naniniwala na maganda ang bansang Pilipinas na tinatawag ng ilang mambabasa sa atin na ‘tahanan’.
Nagbukas kami ng Go Fund Me page. Hindi ko naman sinasabi ito para mag-donate ka. Ang pahina na ito ay para sa mga nakatira sa west at ang maykayang Pilipino para mapondohan ang ilang proyekto.
- Tahanan para sa mga batang kalye. Hindi na natin magawa pang kontrolin ang paglaganap ng mga batang kalye. Kung mabibigyan natin sila ng magandang buhay. Kapag nangyari iyon, hindi na tayo makakakita ng mga batang kalye na nagugutom, nakukulong at malulong sa masamang bisyo.
- Pauwiin na ang mga OFW. Oo, isa itong problema na hindi naman gaanong nauukulan ng pansin. Gusto naming tulungan ang mga OFW na pauwiin sa sarili nilang bayan.
- Gumawa ng vertical farm. Alam kong ang ilan sa into ay hindi naiintindihan ang vertical farm ngunit alam kong ito ang makakatulong para hindi na magutom ang mga Pilipino. Dahil pa rito ay magagawa nating bigyan ng trabaho ang mga Pinoy na nangangailangan.
Hindi naman namin ini-expect na magdu-donate ka pero kailangan namin ang iyong tulong. Ang Go Fund Me ay maganda kung ito ay magwu-work kaya nga lang, hindi naman nito masu-sustain ang proyekto sa maikling panahon. Ang PhilippineOne ay nangangailangan ng advertising para naman makatulong ang aming website na makakuha ng traffic. Kaya naman sabihin mo sa’yong mga kaibigan na kailangan mo kaming makilala sa October. Magpadala ka ng artikulo, magbigay ng suhestiyon at maniwala ka sa amin. Ang bawat barya na makukuha namin sa website ay mapupunta sa aming proyekto. Walang sinuman sa PhilippineOne ang biglang yayaman. Hindi kami naririto para lang kumita, naririto kami para sa pagbabago.
Ang PhilippineOne.com ay isang piraso ng napakalaking proyekto na hindi matutupad kung wala ang tulong mga mambabasa. Halika na, kilalanin na ninyo ang PhilippineOne team sa Manila ngayong October 8 at idi-discuss natin ang pagbabago.
Support us and join us. Share and Follow.
https://www.gofundme.com/philippineone-com
philippineone.com
Robert J Dornan