ANO ANG POSIBLENG ITSURA NG MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS O ALIENS

0
205

Latest posts by philippineone01 (see all)

Bagama’t wala pa ring solidong patunay sa pisikal na itsura ng mga isang extraterrestrial being maliban sa mga popular nilang representasiyon sa ilang sci-fi movies, naglabas ang mga siyentipiko ng isang rendition nang posibleng kaanyuan ng mga nilalang na ito mula sa ibang kalawakan.

          Ayon sa mga siyentipiko, posibleng ang mga extraterrestrial beings ay kawangis ng isang higanteng jellyfish o dikya na may kulay orange na mga tiyan.

          Ayon sa British scientist na si Maggie Aderin-Pocock, ang mga extraterrestrial beings ay may higit na kagila-gilalas na kaanyuan higit pa sa ating inaakala. Ayon kay Aderin-Pocock, ang mga extraterrestrial beings ay maihahalintulad sa mga dikya na lumalangoy sa karagatan, bagama’t sila ay may metal outer skin, at kulay orange ang kanilang internal parts.

          Ang rendition na ito ng extraterrestrial beings ay ibinatay sa harsh environment ng space, kung saan ang kanilang basis of life ay hindi carbon kundi silicon. May kakayahan silang i-absorb ang sunlight at iba pang chemical substances sa kalawakan gamit ang kanilang mga tentacles.

          Ayon naman sa chief scientist ng space company Astrium, bagama’t may bilyong planeta sa observable universe, maaaring iilan lamang din dito ang may habitable environment tulad ng planet Earth.

          Ngunit, kung ang inyong lingkod ang tatanungin, ang kaanyuan ng mga extraterrestrial beings ay nagkakaiba-iba at hindi lamang limitado sa pananaw ni Aderin-Pocock. Ang mga nilalang ng isang planeta, tulad nating mga Earthlings, ay nabubuhay sa isang uri ng environment kung saan adapted sila. Samakatuwid, ang kaanyuan ng isang extraterrestrial being ay nakabatay sa kondisyon ng environment at iba pang factors sa kanilang planeta. Sa bilyong planeta sa buong observable universe, naniniwala ako na isa sa mga planeta dito ay kahawig ng planet Earth sa atmosphere, temperatura, environment at ecosystem. Samakatuwid, ang mga intelligent beings na naninirahan sa nasabing alien planet ay kawangis rin mismo ng mga human beings o Earthlings—may ulo, mga kamay, paa, bibig, ilong, at iba pang internal organs.

          Tandaan na may iba’t ibang species rin ang mga aliens o extra-terrestrial beings, at ito ay akin nang natalaky sa isa sa aking mga articles dito sa Kapangyarihan. I-click lamang ang link para mabasa ito: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-3-kilalanin-ang-tatlong-alien-species/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here