Ano ang mga palatandaan na siya ang soulmate mo?

0
472

 Mataas ang porsyento ng mga taong naniniwala sa soulmate. Ano- ano ang mga palatandaan na kilala mo na o ang karelasyon mo ay ang iyong soulmate? Nandito ang mga senyales para masigurado na siya ang soulmate mo.

  • Pakiramdam ng pagiging kumpleto pag kasama mo siya

Ang isang karelasyon na swak kayo at nagkakasundo kayo kahit mayroon kayong pagkakaiba. Kung saan siya mahina, doon sa malakas. Ang mga bagay na hindi mo maintindihan sa sarili mo ay may kakayahan siyang ipaintindi at ipadama sayo. Ang magandang ehemplo ay kung ang partner mo ay hindi magaling magluto at maingay ngunit para blansehin ito, ikaw ay magaling magluto at ikaw ang tahimik sainyong dalawa. Nagiging kumpleto kayong dalawa dahil sa pagsasama ng inyong mga pagkakaiba.

  • Panatag ang loob mo kapag siya ang kapiling

Payapa ka at alam mong ligtas ka kpag siya ang kasama mo. Kung pareho kayong nagtatrabaho, inaantay niyo na sa pag-uwi kayo ang magkasama at nandon ang pakiramdam na “home” saPiling ng isa’t isa. Napapawi ang pagod, takot, pag-aalala kapag magkapiling kayo.

  • Mas masaya ka para sa kanya pag masaya ka

Importante saiyo na masaya siya. Pag siya ay may problema o nalulungkot gagawin mo ang lahat para mapawi ito at maging okay siya. Kahit anong sinakripisyo mo o sakripisyo mo para sa kanya ay balewala lahat basta masaya lang siya. Inuuna mo siya bago ag sarili mong kapakanan.

  • Lagi kayong nagkakapatawaran sa bawat isa

Hindi porke’t mag soulmate kayo ay hindi na kayo nagkakatampuhan o nag-aaway. Maaring mas malala pa ang away niyo kumpara sa iba. Ang kaibahin ay lagi niyong pipiliin ang magpatawad sa bawat isa.

  • Nirerespeto niyo ang pagkakaiba niyo

Maaring may iba kayong paniniwala, mas gusto, o ibang katwiran sa mga bagay bagay ngunit hindi ito hadlang para hindi niyo maunawaan o maintindihan ang bawat isa. Malaya ang bawat isa magbigay ng saloobin at opinion sa lahat ng bagay. Ang importante ginagalang niyo ang bawat isa.

  • Nagkita at nagkakilala kayo sa tamang panahon

Lahat ng bagay sabi nila ay nangyayri ng may dahilan. Maaring sa umpisa hindi pa natin mawari o malalaman. Sa katagalan nalalaman din natin nag dahilan. Madalas may mga nagging karelasyon tayo na nauwi sa hiwalayan. Ang dahilan pala ay may taong sadyang nakalaan para sa atin. Hindi natin ito hahanapin o pipilitin, ito ay kusang darating. Ibig sabihin nito ay handa na ang bawat isa para sa isa’t isa.

  • Hindi mo naramdaman ang ganitong emosyon kanino man

Tuwing nagkakaroon ang isang tao ng karelasyon, laging nasasambit, siya na at kami na talaga. Pero pag nag soulmate mo ang karelasyon mo sa kasalukuyan, mararamdaman mo na nag-iisa lang siya na ganito katindi ang nararamdaman mo na pagmamahal sa kanya. Ika nga, walang katulad at walang sinabi ang mga dati mong karelasyon. Ngayon masasabi mo nakita mo na ang tunay na katuwang mo sa buhay.

  • Ang buhay ay isang masayang pakipagsasapalaran araw-araw

Gusto niyo maranasan ang maagagandang pakikipagsapalaran sa buhay na magkasama. Marami tayong planong maglakbay o magpasyal kung sasan saan. Napakulay ng buhay dahil kayo ay magkasama.

  • Lagi kayong masaya at ang pagtawa ay parte ng byuhay niyo

Sa buhay  marami ang pagsubok ngunit ito ay kapwa niyo hinaharap at pinagtutulungan ng positibo. Masya kayong tinatahak ang buhay. Ngayon niyo lang naranasan tumawa ng ganito at maging masaya.

  • Tapat at bukas ang komunikasyon niyo

Tapat at wala kayong inililihim sa bawat isa. Bukas ang komunikasyon niyo at pwede niyong Pag-usapan ang lahat ng bagay.

  • Pareho kayo ng gusto

Halos magkapareho kayo ng gusto kahit meron kayong ibang paniniwala minsan. Pareho ang mga balak at ninanais niyo sa buhay.

  • Meron kayong chemistry

Mula sa umpisa nandoon na ang kilig at atraksyon sa bawat isa. Sadyang ibang iba ang siklab at kislap ng inyong pagsasama. Walang katapusaan ang atraksyon at siklab sa damdamin na nararamdaman niyo sa bawat isa. Ang sarap magmahal at ang mahalin ngunit sadyang napakatamis at walang katulad kapag ang iyong soulmate ang iyong kasama!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here