Ano ang Hanap ng Lalaki sa kanyang Karelasyon?

Kung sasabihin mong ang gusto lang ng lalaki sa kanyang karelasyon ay ang kagandahan at kaseksihan nito, nagkakamali ka. Maaaring sa una ‘oo’ ngunit sabi nga lahat ng kagandahan ay lumilipas. May tendensiya na ang kagandahan na iyon ay kanyang pagsasawaan. Isa nga sa kapit bahay ko noon na mayroong naakagandang asawa pero iniwan niya para sa isang babae na hindi na kagandahan, wala pang diplomang maipagmamalaki. Kaya, talagang maisip ka kung bakit hindi ang kanyang tunay na asawa ang kanyang pinili.

Sa pagsasaliksik ko ay nalaman ko ang dahilan kung bakit nagagawang kalimutan ng lalaki ang pagmamahal niya sa kanyang karelasyon. O, ready kana bang malaman kung Ano ang Hanap ng Lalaki sa kanyang Karelasyon?

Una, maturity.  May mga babae kasing na animo bata pa rin kung kumilos at magsalita. Siguro dahil akala niya ay cute siya kapag ipinapakita niya sa kanyang karelasyon ang ugali niyang iyon. Para sabihin ko sa’yo, gustung gusto ka ng sakalin ng partner mo kapag lagi kang ganito. At kung minsan kahit gaano ka pa kamahal ng lalaki bumibitaw ‘yan kapag napagtanto niya na hindi na niya matatagalam ang immaturity mo.

Pangalawa, maasikaso ka dapat. Ang lalaki ay gustung-gusto na itinuturing syang parang hari kaya naman ibig niyang gagawin mo ang responsibilidad mo sa kanya bilang asawa o kasintahan o anumang uri ng relasyon mayroon kayo. Kaya naman bihira sa mag-asawa ang tumaragal kapag mayroon sila parehong trabaho. Kapag kasi nawalan ka ng oras sa kanya, maghahanap ‘yan ng iba.

Pangatlo, sakyan mo ang trip niya. Sa halip na magalit ka sa kinahihiligan niyang gawin, mas maigi kung sasabayan mo na lang siya. Mas magkakaroon pa kayo ng bonding moment. Iyon nga lang mahirap din naman na pilitin natin ang ating sarili na gustuhin ang mga bagay na wala tayong interes.

O, kaya mo bang gawin ang mga ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here