ANO ANG DAPAT PALAKASIN? (Indie Music at hindi ang mainstream OPM)

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

(Pahayag ni sir Nolit Abanilla ng Indie Pinoy/ Studio 28)

Ano ang dapat palakasin?Ang indie music ang mainstream OPM?

Ang dapat palakasin ay ang kapangyarihan ng bawat Pilipinong sa industriya ng musika, upang makapagdesisyon ng sarili para maitahak ang tamang direksyon ng musikang Pilipino. Dapat palakasin ang ekonomiyang istruktura sa musikang pilipino upang maitaguyod ang musikerong Pilipino sa sarili nitong kakayahang pangpinasyal.

Kailangan palakasin ang mga organisasyon sa musika na tunay na nagtataguyod sa kapakanan ng mga musiko, kaugnay sa mga pangangailangang pangkaligtasan, kalusugan at karapatan. Kailangan palakasin ang mga oportunidad sa lahat ng larangan ng media para marinig ang muikang pilipino, bago man o luma.

Hindi dapat palakasin ng musikang matagal nang malakas at naghahari sa ere, at malaki na ang kinita ng mga nasa mapang aping mga istruktura na tumatapak sa mga maliliit na mga musiko, mang aawit at kompositor.

Hindi dapat palakasin ang mga organisasyon na matagal nang naghahari sa industriya at hindi man nakakatulong sa mga musikerong nagkakasakit, nagkandamatay na o tumanda na ng wala man lang pagkilala sa kontribusyon sa industriya. Hindi dapat palakasin ang mga organisasyong nagpapangap na kumakatawan ng nakararaming musiko, mang aawit at kompositor at patuloy na naglalahad ng mga huwad na programang hindi naman nakakatulong sa mas nakararaming kalahok sa industirya ng musika.

Maging mulat sa katotohanan. Ito ay isang maikling mensahe ng INDIEPINOY sa  Musikang Pilipino. INDIEPINOY – EMPOWERING NG INDEPENDENT FILIPINO ARTISTS.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here