ANO ANG CLAIRMELODIENCE: PAKINGGAN ANG MENSAHE NG UNIVERSE SA TULONG NG MUSIKA

211

Kapag tayo ay may dinaramdam, lagi tayong nakakarinig ng kanta o musika na para bang umaangkop sa nararamdaman mo at parang tinutukso ka pa sa mga pinagdaranan mo.

Hindi ito natataon lamang.

Ang musika ay lengguwahe ng uniberso. Isa itong behikulo ng mga Higher Beings upang makipag-ugnayan sa iyo.

Ito ang tinatawag na CLAIRMELODIENCE. Ayon kay               Dr. Eireen Cullen na siyang nag-imbento ng termino, ang clairmelodience ay mula sa dalawang salita: ‘Clair’ na isang French word na ang ibig sabihin ay ‘clear’ o malinaw at ‘Melodic’ na ibig sabihin ay angkop na musika o tunog.

Ilan sa mga palatandaan na ginagamit na ng Higher Beings mula sa spiritual realm ang musika upang makipag-ugnayan sa iyo ay ang mga sumusunod:

1.    May musika na bigla na lamang papasok sa isip mo na parang ang linaw-linaw.

2.    Pangyayari kung saan ikaw ay may pinagdaraanan at bigla na lang ay makakarinig ka ng musika na para bang angkop na angkop sa pinagdaraanan mo.

3.    May malalim kang iniisip at bigla ay makakarinig ka ng kanta o awitin na para bang may mensahe o kaugnayan sa iniisip mo.

4.    Pagkamulat pa lamang ng mata mo ay may maririnig kang bagong kanta o musika at hindi na ito matanggal sa isip mo. Pagkaraan ng ilang araw, ang musika o awitin na ito ay sisikat o papatok.

Ang musika ay isang universal language na nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng ating emosyon at kaisipan.

Anuman ang mood mo ay makakasumpong ka ng awitin na tutugma sa iyo. Ang pakikinig ng musika ay nakatutulong upang maibsan o makalimutan mo ang sakit ng damdamin at nagagawang paglakbayin ang diwa mo sa ibang realidad upang kahit saglit ay makalimot ka sa iyong pinagdaranan. Ito ang tinatawag na music theraphy.

Ang musika ay kasing tanda na ng universe. Nang lalangin ang kalawakan, ang mga huni at tunog na nabubuo sa mga nagbabanggaang mga bato ay isang himig. Bago pa man matutong magsalita ang mga tao, marunong na tayong mag-hum o humuni. Ito ang hiwaga ng musika.

Makinig. Ang uniberso ay may ibig sabihin sa iyo!

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 3, 2019
Next articleMga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Libra
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here