Anna Karenina: Sunshine Dizon

0
39

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Tatlong taong gulang pa lang si Sunshine ay artista ba siya. Ang una niyang pelikula ay Gods Little Children. Noon namang 1989 ay nakasama siya sa mga pelikulang Kung kasalanan Man, Hindi pa tapos ang Laban at Kahit Butas ng Karayom ay papasukin ko kung saan siya nanalo sa FAMAS bilang Best Child actress.

Kaya naman hindi na kataka-taka kung masyado noong maging teenager siya ay mas makilala siya. Maganda naman kasi siya at napakagaling niyang umarte kaya naman kinakiligan din sila ng partner niyang si Polo Ravales. Sa Anna Karenina sila unang nagtambal at pagkatapos ay sa T.G.I.S.  Tapos ay gumawa rin sila ni Polo ng pelikulang Honey, My Love So Sweet at Kiss mo ako.

Noon ngang mawala sina Kim at Antoinette ay nagawa na niyang solohin ang spotlight at umariba ng husto ang kanyang career noong pumasok na ang 2001 nagkaroon siya ng primetime television drama na Ikaw Lang ang Mamahalin at Kung Mawawala ka. At hindi lang siya sa sa drma magaling dahil nakasama rin siya sa Sitcom na Daboy En Da Girl.

Higit din niyang napatunayan ang kanyang galing sa Encantadia dahil dalawang Best Actress Awards ang nahakot niya. Ito ay mula sa ENPRESS at Gawad America. Nakakuha rin siya ng Best Actress sa PMPC Awards sa Carlos J. Caparas Bakekang. Nag-lie low lamang siya sa kanyang career ng siya ay makapag-asawa ngunit ng maghiwalay sila ng kanyang mister, ang naging takbuhan niya ay ang showbiz. Noong 2013, ay ginawa niya ang Mundo Moy Akin at nakasama ulit siya sa Encantadia tapos ngayon ay ginagawa niya rin ang Ika-6 na Utos.

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

SHARE
Previous articleAnna Karenina: Kim Delos Santos
Next articleHoroscope, Disyembre 2, 2017

PhilippineOne Editor in Chief: Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat, nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here