Anna Karenina: Kim Delos Santos

0
35

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Super ganda dalagita, yan ang masasabi ko kay Kim Delos Santos nang una ko siyang makita sa T.G.I.S. kung saan siya ay naging parte rin ng 1st batch ng programa kaya naman noon pa lang ay alam ko ng maakikilala siya at hindi nga ako nagkamali. Noon kasing 1996 ay nagsimula ng umalagwa ang kanyang career. Malaki ang naitulong ng Anna Karenina at pagkatapos ay bumida na rin siya sa T.G.I.S. bilang Tere at ka-partner niya rito ang ex-husband niyang si Dino Guevarra.

Noong 2005 ay naging kontrobersyal ang hiwalayan nila ni Dino Guevarra kaya naman minabuti niyang magpunta siya New Jersey, U.S.A. kung saan siya naging dialysis nurse. Sa ngayon siya ay naninirahan sa Sugar Land, Texas. Noon namang 2010 ay tuluyan na siyang nakalaya sa kasal nila ni Dino Guevarra.

Hindi man naging maganda ang relasyon niya kay Dino, hindi dahilan iyon para hindi na niya naisin pang muling magtiwala at umibig. Sa ngayon nga ay engaged na siya kay Ben-G Manaois pero nag-iipon pa raw sila para makapagpatayo ng bahay sa America at makapagsimula ng pamilya.

Minahal din naman daw niya ng todo ang kanyang pag-aartista kaya kung muli siya bibigyan ng pagkakataon ay gusto ulit niyang mag-artista.

                                       

SHARE
Previous articleAnna Karenina: Antoinette Taus
Next articleAnna Karenina: Sunshine Dizon

PhilippineOne Editor in Chief: Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat, nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here